Thursday, June 29, 2023

Kalinaw News: Two weapons were found in an encounter between the 57th Infantry (Hard) Battalion and Communist Terrorist Group in Sultan Kudarat

Posted to Kalinaw News (Jun 29, 2023): Two weapons were found in an encounter between the 57th Infantry (Hard) Battalion and Communist Terrorist Group in Sultan Kudarat

Two weapons were found in an encounter between the 57th Infantry (Hard) Battalion and Communist Terrorist Group in Sultan Kudarat, just this June 26, 2023

#StrongUnitedReliable
#PhilArmy
#ARMY126

2 armas nabawi mula sa patakas na CTG sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Nabawi ng 57th Infantry (Masikap) Battalion nitong Lunes ng hapon (June 26, 2023) ang dalawang M16 rifles ng Communist Terrorist Group matapos ang engkwentrong naganap sa Barangay Batang Bagras, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., 57IB Commander, habang patuloy ang kanilang security operations ay naka-engkwentro ng 57IB ang nasa 13 na mga miyembro ng komunistang teroristang grupo o CTG na tumagal ng 15 minuto.

“Agad na nagsagawa ng pagsisiyasat sa encounter site ang ating kasundalohan at nadiskubre nila ang naiwang dalawang armas, dalawang magazine, personal na kagamitan, subersibong dokumento at mantsa ng dugo”, pahayag ng 57IB Commander.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng pursuit operations laban sa mga nagsitakas na mga komunistang terorista, ayon kay Brig. Gen. Michael Santos, 603 Bde Commander.

“Una nang na engkwentro ng mga CTG ang 37IB nitong nakaraang linggo. Pagod at gutom na ang nararamdaman ng mga ito kaya nila iniwan ang kanilang mga armas at kagamitan”, dagdag pa ni 603 Bde Commander, Brig. Gen. Santos.

Inihayag naman ni Major General Alex Rillera, Commander ng JTF Central at 6ID na ang gobyerno ay naka handang tumulong upang mabigyan ng benepisyo mula sa E-CLIP gaya ng livelihood at financial assistance para sa pagsisimula ng kanilang pagbabagong buhay.

“Ito ay isang patunay na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa mga programang pangkapayapaan at layuning palayain ang mga ito mula sa kanilang pagiging biktima ng maling ideolohiya at sirkumstansiya at higit sa lahat, itaguyod ang pambansang pagkakaisa”, dagdag pa ng 6ID Commander.

Patuloy ang kampanya ng JTFC at 6ID upang tuluyang makamit ang ganap na tagumpay o “total victory” laban sa lahat ng uri ng grupong terorista sa Central at South Central Mindanao.

Sa ngayon nasa 21 na CTG ang nagbalik-loob, 5 ang naaresto at 10 ang nasawi mula sa engkwentro. Habang nasa 25 na armas ang isinuko at 25 din ang nabawi.

#kampilannews
#kampilankakampiyan
#kakampisakapayapaan
#KapayapaanParaSaLahat
#ServingthePeopleSecuringtheLand
#AFPyoucanTRUST



https://www.facebook.com/photo/?fbid=276998118354091&set=a.264457216274848

https://www.facebook.com/photo?fbid=659840962853600&set=a.224304813073886&fbclid=IwAR3m7ebQbfVaeRNE9XYkRSh9_Gr_qg2H5ilm1NddNzrG5-aaR3OUp1EvmGw

https://www.facebook.com/kalinawnews/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.