From Palawan News (Sep 15, 2021): Babaeng lider ng NPA sa Palawan, arestado sa manhunt operation sa Coron (By Arphil Ballarta)
Makikita sa larawan na ito si Nene Batoan, alyas Maria at Marcila Batoan, matapos siyang maaresto kaninang madaling araw, Setyembre 15, sa Sityo Nagkulon Bantid-Bantid, Barangay Decalachao, sa bayan ng Coron. (Contributed photo)
(Updated) Naaresto sa isang manhunt operation na ikinasa ng iba’t ibang law enforcement units ang wanted na political instructor at finance officer ng Kilusang Larangang Girilya (KLG) North ng Bienvenido Vallever Command (BVC) na si Marcila “Nene” Batoan, alyas Maria, kaninang 4:45 ng madaling araw, Setyembre 15, sa Sityo Nagkulon Bantid-Bantid, Barangay Decalachao, Coron.
Si Batoan na kilala sa kilusan bilang si Ka Teri, Ka Elsa, at Ka Karen ay itinuturing na “high-valued individual” ng awtoridad mula sa New People’s Army (NPA) sa Palawan. Siya ay inaresto dahil diumano sa sangkot siya sa pagpaslang kay SPO1 Marvin Adier sa San Vicente ilang taon na ang nakalilipas.
Napag alaman din na ito ay may patong na P600,000 bilang wanted sa ilalim ng Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa paunang ulat ng Coron Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni P/Cpt. Ervin Plando, ang pagdakip kay Batoan ay dahil sa mga warrant na inisyu nina Judge Ramon Chito Mendoza ng Branch 45 ng 4th Judicial Region sa Brooke’s Point para sa kasong robbery with homicide at Judge Anna Leah Mendoza ng Branch 164 ng 4th Judicial Region sa Roxas para sa kasong murder.
(Kaliwang larawan) Ang naarestong lider ng rebeldeng grupo na NPA na si Nene Batoan. (Kanang larawan) Ang pinaslang na si SPO1 Marvin Adier. (File photos)
“Sa kasong robbery with homicide niya wala akong info sa ngayon kung saan niya ito na-commit, pero ang murder case niya na-commit ito sa San Vicente kung saan ang napatay ay si SPO1 Marvin Adier,” ayon sa pahayag ni Plando sa Palawan News ngayong Miyerkules.
- Advertisement -
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Batoan sa mga inisyu na warrant.
Kabilang sa mga unit sa manhunt operation ang Naval Forces West (NFW) ng Philippine Navy; 23rd Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3); 3rd Marine Brigade; Regional Intelligence Unit 4B; Provincial Intelligence Unit, Palawan Police Provincial Office; 401stB MC, RMFC4B; 2Palawan Provincial Mobile FC, at JTF-Malampaya.
[English translation: Female NPA leader in Palawan, arrested in manhunt operation in Coron
The wanted political instructor and finance officer of the Kilusang Larangang Girilya (KLG) North of the Bienvenido Vallever Command (BVC), Marcila “Nene” Batoan, alias Maria, was arrested in a manhunt operation conducted by various law enforcement units. 4:45 a.m., September 15, in Sitio Nagkulon Bantid-Bantid, Barangay Decalachao, Coron.
Batoan, known in the movement as Ka Teri, Ka Elsa, and Ka Karen, is considered a “high-valued individual” by the authorities from the New People’s Army (NPA) in Palawan. He was arrested for allegedly being involved in the murder of SPO1 Marvin Adier in San Vicente a few years ago.
It was also learned that it has a surcharge of P600,000 as wanted under the Department of National Defense (DND) and the Department of the Interior and Local Government (DILG).
According to the initial report of the Coron Municipal Police Station (MPS) led by P/Cpt. Ervin Plando, the arrest of Batoan was due to warrants issued by Judge Ramon Chito Mendoza of Branch 45 of the 4th Judicial Region in Brooke's Point for the robbery with homicide case and Judge Anna Leah Mendoza of Branch 164 of the 4th Judicial Region in Roxas for in the murder case.
"In his robbery with homicide case, I don't have information yet on where he committed it, but in his murder case he committed it in San Vicente where SPO1 Marvin Adier was killed," Plando said in a statement in Palawan. News this Wednesday.
No bail was recommended for Batoan's temporary release on the issued warrants.
Units in the manhunt operation include the Naval Forces West (NFW) of the Philippine Navy; 23rd Marine Company of Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3); 3rd Marine Brigade; Regional Intelligence Unit 4B; Provincial Intelligence Unit, Palawan Police Provincial Office; 401stB MC, RMFC4B; 2Palawan Provincial Mobile FC, and JTF-Malampaya.]
https://palawan-news.com/babaeng-lider-ng-npa-sa-palawan-arestado-sa-manhunt-operation-sa-coron/