PEOPLE'S WAR, REGIONS
Patnubay de Guia | Spokesperson | NDF-Southern Tagalog | National Democratic Front of the Philippines
April 24, 2022
Binabati at sinasaluduhan ng NDFP-ST ang nakikibakang mamamayang Pilipino sa pag-sapit ng ika-49 anibersaryo ng pagkakatatag ng NDFP sa Abril 24. Sa loob ng halos li-mang dekada, nakonsolida, lumawak at lumakas ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanan sa kabila ng panunupil ng reaksyunaryong estado laluna ng kasalukyang rehimeng Duterte na walang patumanggang nagtatatak na terorista sa si-numang lalaban dito.
Kasabay nito, binibigyan natin ng espesyal at pinakamataas na parangal ang lahat ng rebolusyonaryong martir at mamamayang nagbuwis ng buhay sa proseso ng pakikibaka sa marahas at malupit na estado. Habambuhay nang nakatatak sa kasaysayan ang kanil-ang dakilang ambag sa pagsusulong ng rebolusyon.
Nagpupugay rin ang NDFP-ST sa lahat ng alyadong organisasyon ng NDFP na nananatiling nakatindig at nakikibaka para sa interes at karapatan ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, pambansang minorya, at iba pang inaaping uri’t sektor ng lipunan. Kinikilala rin nito ang lahat ng mga progresibo, alyadong pwersa at mga kaibigan ng rebolusyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na katuwang sa pagpapabagsak sa pahirap na malakolonyal at malapyudal na sistema at maging mga ka-kapit-bisig sa paglaban sa numero unong kaaway ng sambayanan ngayon—ang rehim-eng US-Duterte.
Mahalagang ilugar ang okasyon ng ika-49 anibersaryo ng NDFP sa mainit na kalagayang pampulitika at pang-ekonomya sa bansa. Una, ipinagdiriwang ang anibersaryo ng NDFP sa natitirang huling mga buwan ng paghahari ng kinamumuhiang rehimeng US-Duterte na nagsadlak sa sambayanang Pilipino sa labis na kahirapan at kaapihan sa nakaraang higit limang taon. Ikalawa, nalalapit ang eleksyong 2022 na nais gamitin ng anak ng diktador na si Marcos kasabwat ang mga tiranikong pamilya ng Duterte at Arroyo upang makapanumbalik sa kapangyarihan at makapagtatag ng panibagong diktadura.
Ngayong umiigting ang krisis, lalong lumilinaw na walang ibang tutunguhin ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino kundi ibayong pagsulong. Salimbayan ang paglala ng sosyo-ekonomikong kalagayan ng Pilipinas at krisis ng imperyalismo. Sa pulitika, patuloy na nahihiwalay ang rehimeng Duterte sa malawak na hanay ng sambayanan at maging sa ilang bahagi ng lokal na naghaharing uri. Ito ngayon ang nasasaksihan sa ala-sirkong eleksyong 2022 kung saan lumalapad at lumalakas ang oposisyon habang nala-lantad ang baho at lumalaki ang disgusto ng sambayanan sa alyansang Marcos-Arroyo-Duterte. Bunga na ito ng kagutuman, disempleyo, anti-demokratikong pamamahala, pasismo at kriminal na kapabayaan sa panahon ng pandemya na dinanas ng bayan sa ilalim ng rehimeng Duterte sa nakaraang higit limang taon.
Sa harap nito, dapat itambol nang buong lakas ang pambansa-demokratikong adhikain at padagundungin ang panawagang panagutin ang teroristang rehimeng US-Duterte ngayong rumurorok ang kampanyahan para sa eleksyong 2022. Marapat ipabatid sa lahat ang rebolusyonaryong programang mag-aahon sa sambayanan mula sa pang-aapi ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo upang sawatahin ang ilusyong nililikha ng pangako ng mga pulitiko at lumalakas na hangin ng repormismo.
Napapanahong hamunin ang mga kandidato sa eleksyon na balikan ang negosasyong pangkapayapaan ng GRP sa NDFP bilang sukatan ng kanilang sinseridad sa pagkakamit ng pangmatagalan at tunay na kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan. Okasyon ito para patampukin ang nilalaman ng inihain ng NDFP sa GRP na balangkas ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) sa negosasyong pangkapayapaan. Kailangang maging laman ng publikong diskurso, talakayan sa puliti-ka at lahat ng daluyan ng midya ang programa ng rebolusyonaryong kilusan lalo ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at pagkakaloob ng dekalidad at libreng serbisyong panlipunan sa lahat ng mamamayan. Ito ang mga mayor na kahilingan ng sambayanang Pilipino na kahit kailan ay hindi ipagkakaloob ng reaksyunaryong gubyernong pinatatakbo ng mga ganid na malalaking burgesyang kumprador, panginoong maylupa at mga burukratang kapitalista sa basbas ng imperyalismo.
Kailangan ding patuloy na kabigin ang mga demokratiko at makabayang pwersang kaisa ng bayan sa pagkundena at paniningil sa pabaya, inutil, korap, papet at pasistang re-himeng Duterte. Hindi dapat matabunan ng ingay ng eleksyon ang usapin ng pagpapanagot sa rehimeng Duterte at kanyang mga berdugong galamay na re-sponsable sa talamak na pamamaslang at paglabag sa karapatang tao lalo na ngayong patapos na ang kanyang termino. Dapat ding parusahan ang rehimeng Duterte sa gra-beng kasibaan sa pagnanakaw sa pondo ng bayan, pagyukod sa US at China at pagsabo-tahe sa pambansang ekonomya sa pamamagitan ng mga neoliberal na polisiya sa agrikultura at industriya. Patuloy na suportahan ang mga inisyatiba at prosesong kaugnay ng pagpapanagot kay Duterte tulad ng pagsasampa ng kaso sa International Criminal Court at mga independyenteng imbestigasyon.
Walang ibang kilusang magdadala sa mga panawagang ito na salaminan ng tunay na in-teres ng mamamayang Pilipino kundi ang rebolusyonaryong kilusan. Kaya’t katambal ng mga panawagang ito ang pagpapalakas sa pakikibakang masa para sa lupa, sahod, trabaho, serbisyo at karapatan. Sa kanayunan, nag-aanyo ito sa pagpapalaki ng kasapian ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa higit lalo ng Bagong Hukbong Bayan. Sa ganito matitiyak ang paglakas ng armadong paglaban na pangunahing anyo ng pakikibaka sa pambansa demokratikong rebolusyon upang palayain ang sambayanan sa kasalukuyang bulok at naaagnas na lipunan.
Kailangan itong isagawa ng pinakakonsolidadong hanay ng nakikibakang mamamayan sa gitna ng pasistang pananalasa ng papet na rehimen at mga armadong galamay nito pangunahin sa pamamagitan ng NTF-ELCAC. Higit na magpakahusay sa iba’t ibang porma ng paglaban, pagtatayo ng mga alyansa at pakikipagkaisa sa iba’t ibang uri at sektor na sukang-suka na sa tiranikong paghahari ni Duterte at tutol sa panunumbalik ng pamilya ng dating diktador na si Marcos. Itinatag, lumakas at lumawak ang NDFP noong Abril 24, 1973 sa gitna ng pananalasa ng diktadurang Marcos at sa loob ng 49 taon mahusay nitong binigkis ang organisadong hanay ng mamamayan laban sa nag-palit-palitang rehimen para sa pambansa-demokratikong pakikibaka sa buong kapuluan.
Sa okasyon ng anibersaryo ng NDFP, nararapat lamang patampukin at ipagtanggol ang mga tagumpay na nakamit ng NDFP at buong rebolusyonaryong kilusan sa loob ng ma-higit limang dekada. Higit na kailangang magpunyagi ang mga rebolusyonaryong pwersa upang abutin ang mas maraming bilang ng mamamayan at buklurin sila sa pam-bansa-demokratikong pakikibaka. Bahagi nito ang pagpapasikad sa kilusang anti-Duterte upang tiyaking mabulok sa basurahan ng kasaysayan ang tiranong rehimen. Sa proseso ng pakikibaka, imulat, organisahin at pakilusin ang milyun-milyong mamama-yang Pilipino hanggang yakapin nila’t isulong ang pambansa demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba.###
https://cpp.ph/statements/buklurin-ang-bayan-sa-pagsusulong-ng-pambansa-demokratikong-adhikain-at-pakikibaka-para-sa-hustisya/