Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 31, 2023):
Berdugo si MGen Steve Crespillo, 501IBde! (Executioner MGen Steve Crespillo, 501IBde!)
Bienvenido Magalat
Spokesperson
PA-Cagayan (Henry Abraham Command)
August 31, 2023
Kamakailan lamang ay itinalagang bagong kumander ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) si MGen Steve D Crespillo, ang berdugong naghasik ng takot at terorismo sa mga mamamayan ng Cagayan at Apayao. Bago naging kumander ng WesMinCom, nanungkulan si MGen Crespillo bilang vice commander ng Philippine Army. Nang muli namang ibalik ang 501st Infantry Brigade, 5th Infantry Division Philippine Army sa mga prubinsya ng Cagayan at Apayao noong Oktubre 2020, siya ang tumayong kumander nito, na noo’y brigadier general pa lamang, bago tuluyang pinalitan ni Col Ferdinand Melchor dela Cruz bilang bagong kumander ng brigada noong Pebrero 2023.
Walang-awat na paglabag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas
Sa ilalim ng pamumuno at direktiba ni MGen Crespillo, nakapagtala ang Cagayan at Lower Apayao ng 12 kaso ng pambobomba at istraping mula sa himpapawid na kalakhan ay tumarget sa mga sibilyan, mga sakahan at kabundukan, at maging sa sarili nitong mga tropa. Sa 12 na insidente, 10 rito ay mula Setyembre 2021 hanggang Hunyo 2022 o katumbas sa isang akto ng terorismo mula sa ere kada buwan. Samantala, ang dalawa ay magkasunod na nangyari sa Baggao nitong Pebrero taong kasalukuyan.
Tinatayang hindi bababa sa 150 bomba at rocket ang pinakawalan ng mga berdugong militar sa mga insidenteng ito. Nagresulta ito sa pagkasawi ng pitong mandirigma ng NPA – East Cagayan o ang “Sta Teresita 7” noong Setyembre 21, 2021 na ginamitan ng FA50 fighter jet kung saan pumunta pa mismo si MGen Crespillo sa pinagbagsakan ng 500-librang bomba na nag-iwan ng crater; pagkamatay ng pitong sibilyan na mga pambansang minoryang Agay noong Enero 29, 2022 habang nagraratan at nag-uuling sa kabundukan ng Bagsang sa Gonzaga at; hindi bababa sa 40 sugatan at patay sa composite unit ng RMFB2, PA, CAA at MBLT10 na nagsasagawa ng pursuit operation noong Setyembre 29, 2021 sa Aridowen, bayan ng Sta Teresita kung saan walang-habas silang binomba ng sariling mga helicopter mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon. Samantala, aabot sa 2000 pamilya ang naapektuhan – nagbakwit at nadisplace – sa naturang terorismo ng 501IBde at TOG-2 PAF.
Ang mga pinsalang ito sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng Cagayan at Apayao, na tahasang paglabag sa internasyunal humanitarian law (IHL), ang itinuturing ng AFP at ni MGen Crespillo na mga “tagumpay” at “accomplishment” sa kanilang gera kontra-insurhensiya.
Alinsunod sa IHL batay sa Protocol I at II ng Geneva Conventions, ipinagbabawal ang aerial bombardment at strafing dahil ito ay isang anyo ng indiscrimate attack o pag-atakeng walang pinipili, walang malinaw na target at hindi kayang pag-ibahin (distinction) ang kombatant sa sibilyan. Nilabag din nito ang prinsipyo ng proporsyonalidad (proportionality) kung saan naghulog ito ng daan-daang kilo ng bomba upang lipulin ang kalabang nasa ilalim lamang ng puno at tent. Ang mga prinsipyong ito ang paulit-ulit na nilalapastangan ng 501IBde at ng buong AFP sa pamamaraan at kondukta ng digma.
Tulad ng kanyang dating amo na si Rodrigo Duterte, ito ang mantra ni MGen Crespillo – “walang huma-human rights!” Bagay na hindi nakapagtataka paano niya ipinag-utos ang karumaldumal na pagmasaker kina Ka Peping (Saturnino Agunoy), Ka Val (Augusto Gayagas), at Ka Uno (Mark Canta) noong gabi ng Abril 14, 2022 sa Piat, Cagayan. Sa kabila ng katotohanang walang kapasidad lumaban o hors de combat ang tatlong di-armado, sila ay brutal na pinahirapan bago tuluyang pinatay. Kapwa senior citizen sina Ka Peping at Ka Val na may iniindang karamdaman. Gamit ang gasgas na script ng AFP, pinalabas ng 501IBde na sila ay nasawi sa labanan upang bigyang-katwiran ang ekstrahudisyal na pamamaslang.
Hindi rin nagpahuli si MGen Crespillo sa trend ng AFP-PNP sa ilalim ng rehimeng US-Duterte na taniman ng ebidensya at sampahan ng gawa-gawang kaso ang mga lider-magsasaka at aktibista. Kabilang na nga rito sina Anakpawis CV – Regional Coordinator Isabelo Adviento, Amanda Echanis ng Amihan Cagayan Valley at ang kanyang isang-buwang sanggol, at Calixto Cabildo na Provincial Coordinator ng Danggayan dagiti Mannalon iti Cagayan. Pareho rin ang sinapit ng mga upisyal ng barangay council na aktibong tumututol sa RCSP na sina Joey Ramos, dating kapitan ng Balagan sa Sto Nino at kapitan ng Agaman Norte, Baggao na si Ruben Salvador. Samantala, pinatay naman ng pinaniniwalaang ahente ng militar si Rey Vasquez, aktibista at tagapagtanggol ng kalikasan laban sa blacksand mining ng Flourishing sa bayan ng Gonzaga. Pinaslang si Vasquez siyam na buwan matapos pasukin ng militar ang kanilang bahay at tinaniman ng baril ngunit bigong napakulong ang kanyang asawa na kapwa aktibista, dahil sa maling pangalan sa search warrant.
Maging ang mga wala nang buhay ay hindi pinampas ni MGe Crespillo. Animo’y pangungolekta ng medalya at tropeyo ang tahasang pagyurak sa dignidad ng mga namayapa nang hukayin ang mga labi ng magigiting na bayani ng rebolusyon. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, pitong martir ang pilit na dinugisan at ipawalang-saysay ang kabuluhan ng buhay at pakikibaka kabilang na si Ka Tina (Mary Grace Bautista) at Ka Aira (Justine Bautista) na pinagkakitaan ang kwento-ng-buhay ng mga ulol na tagapagsalita at walang kredibilidad na mukha ng Cagayan Valley TF-ELCAC.
Samantala, pinaluhod naman ang mga pamayanan nang inokupa ng mga tropa ng 501IBde ang nasa 50 baryo ng Cagayan at Apayao kung saan hinamlet sila at nagpataw ng curfew at economic blockade. Winasak ng mga mapapayapang komunidad sa paglaganap ng mga gawaing anti-sosyal tulad ng paglalasing, pagnanakaw at pambababae. Malinaw na isinasaad sa CARHRIHL na bawal ang pagkamkampo sa barangay hall, eskwelahan at iba pang mga pampublikong establisimyento sapagkat ginagawa nitong trensera ang mga kabahayan, bagkus naisasapanganib ang buhay ng mga sibilyan.
Laganap na disimpormasyon, panlilinlang at kurapsyon
Sa tabing ng mga peke-pwersadong pagpapasurender sa mga magsasaka at pagpapalipad ng mga balita ng gawa-gawang sagupaan sa ngalan ng “pagwawakas ng insurhensiya sa Cagayan at Apayao,” naging mabilis ang promosyon ni MGen Crespillo. Hunyo 2021 nang natanggap niya ang kanyang “first star.”
Pamilyar ang mga Cagayano sa gimik ng 501IBde at ni MGen Crespillo kung saan pinalabas na “surenderi” ang mga residenteng dumalo sa buwanang miting sa baryo, o di kaya ang mga tatanggap sana ng sahod mula sa TUPAD (programa ng DSWD) ay pinaghawak muna ng mga placard na kumukundena sa rebolusyonaryong kilusan, pinagmartsa tapos ipi-Facebook live para kagatin ng midya. Ilan lamang ito sa mga pakulo ng AFP upang makahakot ng maraming bilang ng ipakikilang surenderi. Tampok sa mga ito ang karanasan ng mga magsasaka ng Sto Nino at Zinundungan Valley, Rizal at Asinga-via sa Baggao kung saan sa isang bagsakan, nakapagpasuko di umano ng 150 na myembro ng NPA. Hiwalay pa ito sa mga magsasakang paulit-ulit na ginipit, pinagbantaan at walang-tigil na pinaimbitahan sa mga kampo-militar upang magpa-clear o magpalinis ng pangalan at pwersadong pinasuko. Sa lahat ng ito, si MGen Crespillo at noo’y 5IDPA commander MGen Laurence Mina ang pinakanakinabang sa kampanyang pagpapasuko ng AFP. Kung tutuusin, hindi bababa sa P130 milyon ang ibinulsa ng mga heneral ng 5IDPA at 501IBde kung pagsasamasamahin lahat ng mga ipinangalandakang sumuko sa Cagayan at Lower Apayao alinsunod sa ipinagmamalaki ng E-CLIP na P65,000 ang matatanggap ng bawat surenderi.
Ganoon na lamang ang pagkukumahog ni MGen Crespillo na ideklarang “insurgency cleared/free” ang kanyang area of responsibility upang agarang makatanggap ng P20 milyon sa bawat baryong “malilinisan” alinsunod sa Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC. Kaya naman sa unang taon pa lamang ng implementasyon ng programa, ang anim na baryo lamang ng Cagayan na AOR ng 501IBde ang nakakuha ng pondo sa buong rehiyon ng Cagayan Valley.
Kumikitang kabuhayan na rin ni MGen Crespillo ang pag-eere ng mga pekeng labanan sa pagitan ng NPA at ng kanyang mga tropa kung saan laging may kasama itong mga armas na nasamsam di umano. Nasa 15 na pekeng sagupaan ang ipinamudmod ng 501IBde sa midya at nasa halos 50 matataas na kalibre ng baril ang kanila raw na nakuha sa encounter site. Batay sa firearms remuneration ng E-CLIP, nagkakahalaga ito ng halos kalahating bilyong piso!
Habang sinisindak ang mga mamamayan ng teroristang lagim, patuloy rin ang pagsisikap ng 501IBde na dungisan ang pangalan at prestihiyo ng rebolusyonaryong kilusan. Sa pagbalik ng brigada sa lalawigan, naging talamak ang extortion o pangingikil. Laganap ang ganitong mga modus sa mga lugar na malapit o mayroong mga detatsment at kampo ng militar tulad na lamang sa bayan ng Gonzaga, Allacapan at Baggao kung saan namamahagi ng extortion letter ang mga mersenaryong tropa ng 17IB at 77IB sa mga usurero-komersyante at pinagbantaan silang papatayin gamit ang pangalan ng NPA.
Nagpapakalat rin ng false flag operations si MGen Crespillo. Kabilang dito ang malisyosong pagdawit sa NPA-West Cagayan (Danilo Ben Command) sa karumal-dumal na pamamaslang kina Lasam Sangguniang Bayan members at ex-Mayor Marjorie “Jaling” Salazar at Eduardo Asuten at dalawa pang kasamahan noong Pebrero 2021 at sa punong barangay ng Anurturu sa Rizal na si Robert de Ocampo noong Agosto 2022. Pilit na ibinubunton ang sisi sa NPA upang pagtakpan at itanggi ang bitak sa mismong hanay ng gubyerno at stakeholders ng whole-of-the-nation approach. Nauna nang pinabulaanan ng NPA ang mga paratang na ito. Samantala, wala namang naloko ang kasundalahan sa pagdidiin sa NPA matapos sunugin ng Bravo Company ng 98IB, na noo’y nasa operational control ng 501IBde, ang tatlong kalapaw sa sityo Bungcag, Luga, Sta. Teresita noong Enero 2022.
Panagutin ang berdugo at tunay na terorista!
Hindi kayang tabunan ng promosyon ng berdugong heneral ang mga sugat at latay na iniwan nito sa mamamayan ng Cagayan at Apayao. Dapat na malawakang ilantad, kundenahin at panagutin sa mga krimen na ito si MGen Crespillo at ang 501IBde. Hamon sa CHR at sa mga alagad ng midya na tuwirang magsiyasat “on the ground” at hindi lamang umasa at maghintay sa ibinabato ng AFP sa kanilang mga opisina lalo na sa mga liblib at malalayong lugar na hindi abot ng internet at kuryente, liban pa sa kontrolado ng militar ang daloy ng balita at impormasyon dito.
Dapat na pasiglahin ang militanteng kilusang masang anti-pasista upang mapalayas ang mga militar sa komunidad at labanan ang karahasan sa mga mamamayan at buklurin ang pinakamalapad na alyansa laban sa pasismo. Dapat na makiisa ang mga tagapagtanggol at nagsusulong ng karapatang-tao, environment advocates, at mga taong-simbahan sa laban ng mga magsasaka sa kanayunan na siyang pangunahing apektado ng militarisasyon at pambobomba.
Dapat at kailangang pasiglahin ang gawaing militar upang ipagtanggol ang mamamayang malaon nang dinarahas at sinisiil ang mga karapatan at ipaghiganti ang mga pinaslang na masa’t mga kasama. Dapat na parusahan ang mga sagadsarin at may-utang na dugo. Bahagi ito ng pagpapatupad ng rebolusyonaryong hustisya sa ilalim ng umiiral na Pulang kapangyarihan sa mga base at sonang gerilya. Lehitimong target sina MGen Crespillo, mga galamay at ahente nito, kabilang ang mga iba pang utak sa likod ng paghahasik ng teroristang lagim na kumitil at nagsapanganib sa buhay ng mamamayan at hukbong bayan.
MGen Crespillo berdugo, pasista, pahirap sa masa!
501IBde salut sa mamamayan ng Apayao at Cagayan!
Itigil ang pambobomba sa kanayunan!
RCSP martial law sa baryo, palayasin!
https://philippinerevolution.nu/statements/berdugo-si-mgen-steve-crespillo-501ibde/