Posted to Radio Mindanao Network (RMN) (May 27, 2022): Mahigit 400 miyembro ng kilusang komunista, na-neutralize ng militar sa Eastern Mindanao ngayong taon (More than 400 members of the communist movement, have been neutralized by the military in Eastern Mindanao this year)
Naging matagumpay ang kampanya ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) laban sa mga teroristang komunista sa unang bahagi ng taon.
Ayon Eastmincom Commander Lt. General Greg T. Almerol, aabot sa 452 na miyembro ng kilusang komunista ang na-neutralize sa kanilang area of responsibility mula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Sa bilang na ito, 35 ang nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa, 26 ang nahuli o arestado, 194 ang sumuko, at 197 ang nag-bawi ng pagsuporta sa NPA.
Ayon kay Almerol, ang pagkaka-neutralize ng malaking bilang ng mga teroristang komunista ay nagresulta sa pagkakabuwag ng anim na Guerilla Fronts at dalawang Sub-Regional Guerilla Units (SRGUs).
Narekober din ng mga tropa ang 342 na high-powered firearms ng kalaban, kung saan 106 ang boluntaryong isinuko, at 236 ang nasamsam sa combat operations.
Panawagan naman ulit ni Almerol sa mga miyembro ng Kilusang Komunista na magbalik-loob na sa gobyerno para makinabang sa mga benepisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at mamuhay nang tahimik sa piling ng kanilang mga pamilya.
https://rmn.ph/mahigit-400-miyembro-ng-kilusang-komunista-na-neutralize-ng-militar-sa-eastern-mindanao-ngayong-taon/?fbclid=IwAR1anbk5JOtfWgC7pF07hQag2YRvP1MHuwGJCEtO2GU4E0sfiOZ6DvcKp1g