Malapatan, Sarangani Province – Kasabay ng pagtatapos ng Bagani Training ay ang pagbigay ng tulong pangkabuhayan ng Lokal na Ahensya ng Gobyerno ng Alabel, Sarangani Province sa mga 60 na partisipante ng training sa So Luot, Poblacion ng Malapatan, Sarangani Province kahapon, Agosto 23, 2020.
Dinaluhan ang nasabing aktibidades ni Atty. Ryan Jay Ramos, Chief of Staff, Congressional of Sarangani Province, Hon. Vic Paul Salarda, Alkalde ng Alabel, at si Hon Salway Sumbo, Alkalde ng Malapatan na kung saan binigyan ng isang sakong bigas, hospital at medical insurance ang mga nagsipagtapos. Bilang pangako ni Hon. Salarda, magkakaroon din sila ng buwanang sweldo na kung saan sila ay magsisilbing Forest Guard (Bantay Kagubatan) ng Alabel.
Binigyang diin ni Hon. Salarda na ang mga Bagani ay magsisilbing katulong ng 73rd Infantry Battalion sa pagbantay ng kagubatan laban sa mga ilegal na gawain lalo na ang pagpasok ng mga rebelde.
Sa mensahe ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, kumander ng 73IB, na nirepresentahan ni 1LT Orestes Fausto, kanyang binabati ang mga nagtapos ng training. “Lahat ng mga natutunan ninyo sa inyong training ay inyong magagamit sa pagprotekta ng inyong lugar. Nawa’y maging instrumento kayo sa pagsugpo ng mga masasamang gawain ng rebeldeng NPA”, kanyang dagdag.
Bilang karagdagan, hinikayat ng alkalde ng Alabel na pagaralin ng mga Bagani ang kanilang mga anak upang maging susi sa kapayapaan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/lgu-alabel-namigay-ng-tulong-pangkabuhayan-sa-mga-nagsipagtapos-sa-bagani-training/