Posted to the Northern Luzon Command (NOLCOM) Facebook Page (Feb 5, 2022): Tatlong (3) miyembro ng Komunistang Grupo kusang sumuko sa awtoridad, mga gamit pandigma, mga gamot at gamit medical nasamsam (Three (3) members of the Communist Group voluntarily surrendered to authority, fighting equipment, medicines and medical equipment)
98th Infantry “Masinag” BattalionTatlong (3) miyembro ng Komunistang Grupo kusang sumuko sa awtoridad, mga gamit pandigma, mga gamot at gamit medical nasamsam
Sa patuloy na pagpapa-igting ng mga kasundaluhan sa kampanya laban sa mga Komunistang Teroristang CPP-NPA-NDF at sa pamamagitan ng Community Support Program (CSP), kasama ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng EO-70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagresulta sa pagtalikod at boluntaryong pagbabalik-loob ng tatlong miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo sa Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan noong ika-3 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Sa pinagsanib na pwersa ng kasundaluhan ng 98th Infantry (Masinag) Battalion at ng 30MC, MBLT-10 ay kanilang natulungan na makapagbalik-loob ang mga nalinlang at naloko sa kasinungalingan ng komunistang grupo na sina @”Riting”, 42 taong-gulang, @“Lando”, 44 taong-gulang na kapwa residente ng Brgy Isca, Gonzaga, Cagayan at si @“Paquito”, 45 taong-gulang na residente naman ng Brgy Mission, Santa Teresita, Cagayan. Pag-amin nila na hindi na sila natakot at nag-alinlangang magbalik-loob sa pamahalaan, dahil nakita nila ang pagkakaiba ng sitwasyon at ang suporta ng ating pamahalaan, mga kasundaluhan at kapulisan na matulungan ang mga katulad nilang nalinlang ng teroristang NPA noon at ngayon.
Bukod sa kanilang pagsuko ay boluntaryo nilang isinuko ang iba’t-ibang gamit at armas pandigma kasama ang isang Mababang uri ng Armas (Low Powered Firearm), mga bala, blasting cap, ibat-ibang klase ng mga gamot, mga gamit medical at iba pang subersibong dokumento.
Ayon naman kay LTC ABRAHAM M GALLANGI JR INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 98IB, 5ID, PA na ang nasabing matagumpay na pagsuko ng nabangit na tatlong katao kasama ang mga kagamitan ng Komunistang grupo ay resulta ng patuloy na pagsuporta at kooperasyon ng komunidad ng Brgy Isca, Gonzaga, Cagayan sa ating mga kasundaluhan upang tapusin ang terorismo sa lambak ng Cagayan Valley.
Ipinabatid din ni LTC GALLANGI JR ang kaniyang pagbati sa mga nagsipagbalik-loob sa kanilang naging tamang desisyon na yakapin ang tunay na kapayapaan. Pinapaabot din niya ang kanyang mensahe sa mga natitirang kasapi ng komunistang grupo na magbalik-loob at huwag nang hayaang mawasak o masira ng maling idelolohiya at kasinungalingan ang kanilang buhay pati na ang kanilang mga pamilya habang ang pagkakataon ay ipinagkakaloob sa kanila ng Gobyerno.
TRANSLATION
Three (3) members of the Communist Group voluntarily surrendered to authority, fighting equipment, medicines and medical equipment
In the ongoing tightening of soldiers in the campaign against Communist Terrorists CPP-NPA-NDF and through the Community Support Program (CSP), with the local government in the implementation of EO-70 or the National Task Force to E nd Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) resulted in back stabbing and voluntary homecoming of three members of the Communist Terrorist Group in Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan on 3rd of February this year.
With the joined forces of the 98th Infantry (Masinag) Battalion and the 30MC, MBLT-10 helped them to bring back the deceived and deceived in the lies of the communist group @”Riting”, 42 years old, @“Lan do", 44 years old fellow resident of Brgy Isca, Gonzaga, Cagayan and @“Paquito”, 45 an old resident of Brgy Mission, Santa Teresita, Cagayan. They admit that they are no longer scared and dare to go back to the government, because they saw the difference in the situation and the support of our government, soldiers and police to help those like them deceived by t NPA errorist before and now.
Apart from their surrender they voluntarily gave up various uses and weapons fighting including a Low Powered Firearm), bullets, blasting cap, various kinds of medicines, medical supplies and other subersibs ong document.
According to LTC ABRAHAM M GALLANGI JR INF (GSC) PA, Commanding Officer of 98IB, 5ID, PA that the said successful surrender of the mentioned three people along with the equipment of the Communist group is the result of continued support and cooperation Community union of Brgy Isca, Gonzaga, Cagayan to our soldiers to end terrorism in Cagayan Valley valley.
LTC GALLANGI JR also informed his congratulations to those who are reprising on their right decision to embrace true peace. He is also sending his message to the remaining members of the communist group to go back and never let false ideology and lies destroy or destroy their lives including their families during the break opportunity is granted to them by the Government.
https://www.facebook.com/104387581473745/photos/a.110189194226917/430615775517589/
https://www.facebook.com/NOLCOM/