Saturday, February 5, 2022

CPP/NPA-Masbate: Ambus sa tropa ng Masbate PNP sa bayan ng Cawayan, patuloy na tugon ng mga Soldados kan Pobre sa panawagang hustisya ng mamamayang Masbatenyo

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 5, 2022): Ambus sa tropa ng Masbate PNP sa bayan ng Cawayan, patuloy na tugon ng mga Soldados kan Pobre sa panawagang hustisya ng mamamayang Masbatenyo (Ambush of Masbate PNP troops in Cawayan town, Soldados kan Pobre continue to respond to the Masbatenyo people's call for justice)



Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

February 05, 2022

Ipinagdiriwang ng mamamayang Masbatenyo ang matagumpay na ambus na isinagawa ng Jose Rapsing Command – BHB Masbate laban sa mga tropa ng Masbate 2nd Police Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Recodo, Cawayan, Masbate noong Enero 28, 2022. Tatlo ang napaslang habang lima ang sugatan matapos pasabugan ng command-detonated explosives o CDX ang 12 elemento ng 9th ID na naghahasik ng teror sa tabing ng pinatinding presensyang militar sa panahon ng halalan.

Bahagi ang naturang taktikal na opensiba nang patuloy na paglaban ng mamamayang Masbatenyo laban sa tumitindi pang militarisasyon at karahasang militar sa prubinsya. Sa ilalim ni Duterte, naranasan ng mamamayang Masbatenyo ang isa sa pinakamalaking pagdagsa ng tropang militar at pulis sa prubinsya at kaakibat nitong saklaw ng mga operasyon. Hindi kataka-takang nangunguna ang Masbate sa bilang ng mga pampulitikang pagpaslang, masaker at sapilitang pagpapasurender. At tulad ng inaasahan, tiyak titindi pa ang mga operasyong militar na ito ngayong halalan kung saan palagian nang itinuturing ang prubinsya bilang hotspot.

Subalit nagkakamali si Duterte ang AFP, PNP at ang buong Joint Task Force Bicolandia sa hibang na tangkang wasakin ang malawak na suporta ng masa sa prubinsya sa armadong rebolusyon. Sa katunayan, pinapawalang saysay ng sustenidong mga taktikal na opensiba ng BHB-Masbate ang tuluy-tuloy na buhos ng berdugong militar at pulis sa prubinsya. Higit sa lahat, sa harap ng sumasahol na pang-aabuso at paglabag sa karapatan, lalong humihigpit ang pagsalalay ng masang Masbatenyo sa kanilang tunay na Hukbo. Lalo nilang pinakamamahal ang kanilang soldados kan pobre sa laban para sa kanilang lupa, buhay at karapatan.#

https://cpp.ph/statements/ambus-sa-tropa-ng-masbate-pnp-sa-bayan-ng-cawayan-patuloy-na-tugon-ng-mga-soldados-kan-pobre-sa-panawagang-hustisya-ng-mamamayang-masbatenyo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.