Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 21, 2021): Reyd ng BHB sa Tropa ng PNP 2nd Provincial Mobile Force Company sa Dumagmang, Labo Camarines Norte, Tagumpay!
CARLITO CADA
SPOKESPERSON
NPA-CAMARINES NORTE (ARMANDO CATAPIA COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MARCH 21, 2021
Isang solido at makabuluhang tagumpay ang nakamit ng Armando Catapia Command – Bagong Hukbong Bayan Camarines Norte sa isinagawang reyd laban sa tropa ng Camarines Norte 1st Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni PLT. Louie James Amoy sa Purok 6, Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte nitong ika-9:30 ng gabi, Marso 19, 2021.
Lima ang namatay at dalawa ang nasugatan sa hanay ng PMFC. Ang mga namatay ay kinilalang sina Pcpl. Roger Estoy, Pat. Joey Cuarteros, Pat. Benny Ric Bacurin, Pat. Jeremy Alcantara at Pat. Alex Antioquia habang ang mga sugatan ay sina Pcpl. Erick Hermoso at Pat. Aldrin Aguito. Nasamsam ng BHB ang walong mahabang baril na kinabibilangan ng isang R4 carbine, 6 na Galil, isang baby M60 machine gun at anim na maiksing baril na glock. Walang pinsala sa hanay ng BHB sa tatlong oras na labanan.
Ang taktikal na opensiba ng BHB ay sagot sa pasistang lagim na iwinawasiwas ng PNP sa mamamayan ng Camarines Norte. Layunin nitong mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng walang habas na pamamaslang ng uhaw sa dugong mga pasistang pwersa ng mamamatay- taong si Duterte. Matatandaang sa loob lamang ng limang araw, limang indibidwal din ang pinaslang ng PNP Camarines Norte sa tinawag nitong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcemant Operation (SACLEO) sa pamumuno ni Police Provincial Director Julius Guadamor. Ang SACLEO ay walang iba kundi ang madugong bersyon ng PNP Bicol ng “extra-judicial killings” na laganap ngayon sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Pebrero 25 nang patayin si Kapitan Geoffrey Castillio ng Brgy. Macogon, Labo; sunod na araw Pebrero 26, nang patayin din si Melandro Verzo, Brgy. Kagawad ng Dumagmang sa kaniyang tahanan sa Sitio Mineral Talobatib, Labo. Pagkalipas ng dalawang araw, Marso 1 ay sabay-sabay na pinatay sa naturang police operation ang tatlong sibilyan sa Brgy. Lanot, Mercedes, Camarines Norte na sina Enrique Cabiles y Homan, Arnel Candelaria y Avila at Nomer Peda y Cear. Lahat sila ay sinilbihan di umano ng warrant of arrest at sa kasawiang palad ay “nanlaban” kaya namatay. Ito ang gasgas na madugong drama ng pasistang PNP.
Sa hibang na pag-aakala ni Duterte na mapapatahimik niya ang aping mamamayan sa pamamagitan ng lagim ng anti-komunistang panunugis na “Jakarta Method” , ang malawakang pagpaslang sa mga itinuturing nitong bahagi ng ligal-demokratiko at progresibong kilusan, ay mauuwi sa higit pang paglakas ng armadong rebolusyon ng mamamayan. Sa nalalapit na padiriwang ng ika-52 aniberasaryo ng Bagong Hukbong Bayan ay muling pagtitibayin nito ang panata na paglingkuran ang sambayanan at isulong ang pambansa demokratikong rebolusyong sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan at handa sa lahat ng sakripisyo at kahirapan.
Mabuhay ang ika-52 taong anibersaryo ng Bagong Hukong Bayan!
Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!
https://cpp.ph/statements/reyd-ng-bhb-sa-tropa-ng-pnp-2nd-provincial-mobile-force-company-sa-dumagmang-labo-camarines-norte-tagumpay/