Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 19, 2021): Masinsin na FMO sa TK, sinalubong ng opensiba ng NPA
ARMANDO CIENFUEGOSPOKESPERSON
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (MELITO GLOR COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MARCH 19, 2021
Sinalubong ng mga opensibang militar ng NPA sa Timog Katagalugan (TK) ang masinsin na focused military operations (FMO) ng AFP sa pagbubukas ng buwan ng Marso. Limang kaswalti ang tinamo ng mga berdugong kaaway sa dalawang magkasunod na opensiba ng NPA sa TK.
Noong Marso 3, kinomando ng isang tim ng Lucio de Guzman Command (LdGC) – NPA Mindoro ang nakapwestong 4th IBPA bandang 6:20 ng hapon sa Brgy. Manoot, Rizal, Occidental Mindoro. Pinutukan nila ang nakapwestong kaaway 60 metro ang layo sa kanila at tumumba ang target. Ligtas namang nakaatras ang tim. Matapos nito, nagpasok ang mga mersenaryo ng isang trak ng sundalo at 1 PNP mobile sa Brgy. Manoot para kunin ang kanilang kaswalti at magdagdag ng pwersa. Ang inatakeng pwersa ng kaaway ay kabilang sa 9 na trak ng AFP-PNP na naunang ipinasok para maglunsad ng FMO sa mga bayan ng San Jose at Rizal sa Occidental Mindoro.
Naglunsad naman ng dagliang ambus ang isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC) – NPA Quezon sa 85th IBPA sa Sitio Colong, Brgy. San Francisco B, Lopez, Quezon noong Marso 5, alas sais ng umaga. Kagyat na pumakat ang AMC nang makita nila ang nag-ooperasyong 59th IBPA. Pinutukan nila ang mga sundalo at pinasabugan ng command detonated explosive. Tatlo ang patay at isa ang sugatan sa hanay ng 59th IBPA habang ligtas na nakaatras ang yunit ng AMC.
Inilunsad ng NPA ang dalawang taktikal na opensiba sa gitna ng FMO ng AFP-PNP para idiskaril ang imbing pakana ng kaaway at bigyan ng hustisya ang mga biktima nito. Ang bawat matatagumpay na atake ng NPA sa gitna ng tumitinding terorismo ng estado ay bigwas sa hibang na pangarap ni Duterte na wakasan ang rebolusyonaryong kilusan sa kanyang termino.
Pursigido ang MGC-NPA ST na biguin ang terorismo ng estado kahit sa gitna ng atas ni Duterte na ‘patayin ang lahat ng komunista’. Dalawang araw matapos ang atas na ito, isinagawa ng PNP Calabarzon ang Bloody Sunday na pumaslang sa 9 na aktibista at dinakip ang anim na iba pa sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal. Walang kahihiyang ginawang tropeo ang mga sibilyan sa ngalan ng marumi at bigong kontrerebolusyonaryong gerang pinamumunuan ng NTF-ELCAC. Lalong umaalab ang pakikibaka ng mga rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon para gawaran ng hustisya ang berdugong AFP-PNP.
Asahan ng mamamayang Pilipino na patuloy silang ipagtatanggol ng NPA sa terorismong inihahasik ng estado. Sa pagsalubong sa ika-52 anibersaryo ng NPA, inaatasan ng MGC – NPA ST ang lahat ng yunit sa ilalim nito na maglunsad ng mga taktikal na opensiba para bigwasan ang AFP-PNP. Pagbayarin ang rehimeng US-Duterte sa lahat ng mga krimen nito sa bayan!###
https://cpp.ph/statements/masinsin-na-fmo-sa-tk-sinalubong-ng-opensiba-ng-npa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.