From the Philippine Information Agency (Jan 9, 2021): Tagalog News: 2 Black Hawk helicopter, ipinasilip sa mga mamamahayag ng OrMin (By Dennis Nebrejo)
Sumagot si SOLCOM Cmdr. LtGen Antonio G. Parlade Jr. (kanan) sa tanong ng isang lokal na mamamahayag (dulong kaliwa) sa isinagawang press conference sa Calapan Airport ng dumating ito lulan ng bagong Sikorsky S-70i Black Hawk helicopter kamakailan. (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)
LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 9 (PIA) -- Lulan ng bagong Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force nang lumapag ito sa Calapan Airport ang pinuno ng Southern Luzon Command na si LtGen Antonio G. Parlade, Jr., upang ipakita sa mga mamamahayag ng lalawigan kung ano ang maari nitong gawing tulong laban sa insurhensiya at sa mamamayan noong Enero 8.
Sinabi ni Parlade sa isinagawang press conference sa naturang paliparan, “anim sa 20 yunit pa lamang ang dumating sa bansa at ang isang bagong Sikorsky S-70i Black Hawk helicopter ay nagkakahalaga ng $15 milyon at ito ay gawa sa bansang Poland kung saan dumaan ang ating mga sundalong piloto sa pagsasanay sa pagpapalipad nito na siya din magagamit laban sa mga rebelde sa kabundukan.”
Mayroon itong bagong baril na kalibre 50, surveillance camera na magagamit sa araw at gabi. Magagamit din anya sa mga medical evacuation, disaster relief operations, operasyon sa paghahanap at pagliligtas at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, ginagamit pansamantala ang dalawang sasakyang panghimpapawid sa mga operasyon sa Calabarzon (Region 4A) upang tugisin ang mga rebeldeng grupo sa mga kagubatan at bundok.
Dagdag pa ni Parlade “magkakaroon din ng Black Hawk ang rehiyong Mimaropa sa mga susunod na panahon at mayroon lamang mga rekisitos na kailangan tapusin bago italaga ang isang yunit dito dahil mas kailangan ito sa Mindoro na siyang takbuhan ng mga rebeldeng umaalis sa kani-kanilang mga lugar para dito magtago.”
“Mas maganda ang sitwasyon ng Mindoro sa ngayon kumpara noong ilang taon ang nakalipas kaya tulungan ninyo ang ating mga sundalo at kapulisan upang labanan ang sumisira ng katahimikan ng bansa. Hanggat may kalaban mananatili ang ating panlaban sa himpapawid sa lalawigan at rehiyon,” pagtatapos ni Parlade.
Dumating ang anim na helicopter sa bansa noong Oktubre at Nobyembre ng nakaraang taon at inaasahan na darating pa ang iba ngayong taon para sa kabuuang 20 yunit. (DPCN/PIA-OrMin)

https://pia.gov.ph/news/articles/1063396