Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma)
National Democratic Front of the Philippines
July 19, 2024
Dalawang taon na sa pagiging inutil ang tutang Pangulo na walang ginawa kung ‘di ang maglamiyerda sa ibang bansa upang pilit na pabanguhin ang umaalingasaw na baho ng pamilyang Marcos at magmalimos sa mga lider ng iba’t ibang bansa habang nagugutom at naghihirap ang sambayanang Pilipino.
Sa dalawang taong pagtitiis, naranasan ng mga Pilipino kung paano malunod ang sektor ng agrikultura na si Marcos Jr mismo ang nagsilbing unang kalihim bago niya inilagay ang fishing tycoon na si Francisco Tiu bilang gantimpala sa 30 milyong donasyon nito sa kanyang kampanya noong 2022 eleksyon. Sa dalawang taon ni Marcos Jr, napahiya siya na matupad ang kanyang pangako na ibaba ang bigas sa 20 pesos. Bagkus sumirit ang presyo ng kamatis, sibuyas, luya at iba pang pangunahing bilihin.
Imbes na tanggalin ang kontra-magsasakang 2019 Rice Tarrification Law, nilagdaan pa ni Marcos Jr ang Executive Order 62 noong ika-2 ng Hunyo para tapyasin ang taripa ng bigas mula 35% tungo 15% simula taong 2024 hanggang 2028. Nagbubunyi ang mga lokal na kartel at mga importer ng bigas habang lugmok sa kahirapan ang ating mga magsasaka.
Si Marcos Jr din ang pinakabarat na pangulo sa pagtataas ng sahod. Hindi lamang siya manhid sa mga manggagawa sa pribadong sektor, nananatiling bingi at manhid din siya sa kalagayan ng mga pampublikong guro na humihiling ng dagdag na sahod. Imbes na taas ng sahod, binigyan lang niya ang mga guro ng dagdag na allowance na hindi pa sapat na pampalubag-loob. Hinayaan din ni Marcos Jr ang kanyang ka-unity team na si Sara Duterte bilang Kalihim ng DepEd na gawing militarisado ang ahensya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga retiradong heneral sa kagawaran. Ang sabwatang Marcos-Duterte ay nagbigay daan din para makuha ni Sara ang Php 250 milyong confidential funds na winaldas sa loob lamang ng labing isang araw! Kibit-balikat si Marcos Jr na pakialaman ni Sara ang mga aklat sa kasaysayan upang simulan ang paglilinis sa maruming pangalan ng mga Marcos.
Walang napala ang mga guro at estudyante sa Bagong Pilipinas ni Marcos Jr maliban sa utusan ang mga paaralang pampubliko na awitin ang walang katuturang himno ng pagpapakatuta niya. Imbes na magtayo ng mga paaralan at magdagdag ng mga guro, nagtapyas pa ng Php 1.1 bilyong pondo para sa DepEd. Pinahirapan ni Marcos Jr ang mga mahihirap na kabataan sa ginawang 6% pagkapos ng budget sa mga state colleges and universities (SUCs) habang nilagak niya lahat nang kaban ng bayan sa kanyang baol na Maharlika Investment Fund (MIF).
Ang pinakamalala sa lahat, hindi rin pinahinto ni Marcos Jr ang red-tagging at terror-tagging sa mga guro, estudyante at progresibong organisasyon sa mga paaralan dahil sa pag-iral ng Anti-Terror Law. Kibit-balikat lamang si Marcos Jr habang pumapasok ang mga militar sa mga paaralan at mga katabing komunidad. Sa loob ng dalawang taon, lalong naghirap ang mga guro at manggagawa sa edukasyon dahil sa implasyon, sa kontraktwal na paggawa, at pagkait sa pagtaas ng sahod.
Bilang inutil na Pangulo, pinakita ni Marcos Jr sa mga guro kung gaano kasukdulan ang kanyang pagkatuta sa imperyalistang US na apat na beses na niyang binisita upang mamalimos habang nababahag ang buntot niya sa Tsina. Si Marcos Jr ang pinakamasahol na guro kung pagtuturo ng patriyotismo ang pag-uusapan. Ampaw ang kanyang gulugod sa pagsandal sa mga eherhisyong militar na sinalihan na rin hindi lamang ng imperyalistang US ngunit pati mga alyado nito. Takot, walang paninindigan at baog ang rehimeng US-Marcos Jr!
Kaya ang KAGUMA ay makikiisa sa lahat ng mga pagkilos laban sa lumalalang kalagayan ng ating bayan. Ang mga kasapi ng KAGUMA ay dapat na aktibong lumahok sa pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga estudyante at mga manggagawa sa edukasyon upang lumahok sa demokratikong rebolusyong bayan. Anihin natin at gamitin ang mga aral mula sa ating sama-samang pagkilos noon at ngayon upang lalong maging epektibo ang ating bigwas sa estado. Dapat na magpalawak at magpalapad tayo ng ating hanay at pampulitikang kabalagan sa kalunsuran upang gapiin ang imperyalismo ng US at ang lumalalang pasismo ng estado. Huwag na nating antayin pa na matapos ni Marcos Jr ang kanyang termino. Walang repormang magsasalba sa kabulukan ng neyoliberal na mga polisiya ng rehimeng US-Marcos Jr maliban sa armadong pakikibaka.
IBAGSAK ANG REHIMENG US-MARCOS JR!
ILANTAD ANG PAGKATUTA NI MARCOS JR SA IMPERYALISTANG US!
BIGUIN ANG PASISMO NG ESTADO!
SUMAMA, PAIGTINGIN AT IPAGWAGI ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN!
https://philippinerevolution.nu/statements/wakasan-ang-dalawang-taon-na-pagpapakatuta-ng-inutil-na-rehimeng-marcos-jr-sa-imperyalistang-us-isulong-at-ipagwagi-ang-demokratikong-rebolusyong-bayan/