Hindi yumukod sa kapangyarihang Imperyalista hanggang kamatayan
 
Nakikiramay ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas sa mga mamamayang Cubano sa pagkamatay ni Fidel Castro, ang isa sa mga nagsilbing tanglaw ng rebolusyong Cuba upang maihatid ito sa tagumpay, hanggang sa pagtataguyod ng sosyalistang konstruksyon sa Cuba.
 
Isang matibay na kaibigan, alyado at lider si Fidel Castro ng mamamayang Cubano sa pagsugpo ng kapangyarihang imperyalista at dominasyon sa buong daigdig.
 
Ang pagpapalaya ng Cuba ay patunay na kayang daigin ang pananakop ng mga Imperyalistang bansa sa mga kolonyal at mala-kolonyal nitong bansa.
 
Ang patuloy na pagtataguyod ng sosyalismo sa Cuba ay patunay na nananatiling abante ang kaisipang Marxismo-Leninismo-Maoismo na siyang tanglaw sa pagpapalaya sa buong daigdig.
 
Ikinagagalak ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas ang tatag ng pakikibaka ng mamamayang Cubano na hanggang sa kamatayan ni Fidel Castro ay hindi yumukod sa kapangyarihan ng Imperyalismong US.