June 23, 2023
Ibinasura noong Hunyo 21 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 101 sa Talibon, Bohol ang mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives laban sa dating koordineytor ng Farmers Development Center (FARDEC) na si Carmilo Tabada. Ayon sa korte, kulang ang ebidensya para ituloy ang kaso.
Si Tabada, kagawad sa Barangay Poblacion sa Talibon, ay dinakip noong Hunyo 25, 2021 bandang ala-1 ng madaling araw sa kanyang bahay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa kanyang mga kamag-anak, pinalabas ng mga pwersa ng estado na nakakuha sa kanyang bahay ng mga armas at pampasabog. Nakapagpyansa siya noong Disyembre 5, 2022.
Sa araw ding iyon inaresto ng mga pwersa ng estado si UCCP Pastor Nathaniel Valliente sa kanyang bahay sa Mabini, Bohol sa gawa-gawang mga kaso. Nakakulong pa si Pastor Valliente hanggang sa kasalukuyan.
Si Tabada ay kasapi ng FARDEC mula pa 1998 at gumampan ng susing papel sa pagtataguyod ng gilingan ng bigas sa bayan ng Trinidad na nakatulong sa mga magsasaka tulad ng Nagkahiusang Mag-uuma sa San Jose (NAMASAJO). Ayon sa FARDEC, malaki ang ginampanan niyang papel sa pagtatakda ng tamang presyo ng bigas at bumasag sa monopolyo ng mga komersyante sa lugar.
Ikinalugod ng grupong Karapatan-Central Visayas ang pagkakabasura ng mga kaso. Gayunpaman, isa lamang ito sa napakaraming kaso ng panggigipit at pagsasampa ng gawa-gawang asunto laban sa mga aktibista, progresibo at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka.
Noong Mayo 25 lamang, inaresto ng pulis at militar si Adolfo Salas,Sr, kasaping tagapagtatag ng Hugpong sa mga Mag-uumang Bol-anon (HUMABOL-KMP) at dating tagapangulo ng Alayon sa mga mag-uuma sa Candijay (AMACAN-HUMABOL). “Kaya naman, muli kaming nananawagan na kagyat na ibasura ang mga kaso laban sa mga bilanggong pulitikal, dahil ang mga ito ay pawang gawa-gawa lamang,” pahayag ng Karapatan-Central Visayas.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/kaso-laban-sa-suporter-ng-magsasaka-sa-bohol-ibinasura/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.