Thursday, June 29, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Deklarasyong “insurgency-free” sa Quezon, para sa mga mapandambong na proyekto

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 23, 2023): Deklarasyong “insurgency-free” sa Quezon, para sa mga mapandambong na proyekto (Declaration of "insurgency-free" in Quezon, for predatory projects)
 





June 23, 2023

Pinabulaanan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Quezon ang deklarasyon kamakailan ng lokal na gubyerno ng Quezon na “insurgency-free” o wala na ang rebolusyonaryong kilusan sa buong prubinsya. Ani Eliza ‘Ka Eli’ dela Guerra, tagapagsalita ng BHB-North Quezon, ang deklarasyong ito ay para lamang bigyang daan ang mapanira at mapandambong na mga proyekto sa prubinsya.

Pinatunayan ito ng pahayag ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan na nagsabing ang naturang deklarasyon ay umpisa ng inaasam na “paglago ng turismo, pagdagsa ng mga negosyo, at progresibong pag-unlad sa buong lalawigan ng Quezon.”

Ayon kay dela Guerra, kabilang sa mga proyektong ito ang mapangwasak na Kaliwa Dam at Kanan Dam ng New Centennial Watersource Project na sasaklaw sa General Nakar at Infanta.

“Malawakang pagkawasak sa Sierra Madre ang idudulot nito, at lalo sa papalalang climate change, kagimbal-gimbal na mga baha ang maaaring sumalanta sa populasyon at kalikasan oras na magkaroon ng matitinding bagyo,” giit niya.

Sa bayan ng Real, nagbabanta rin ang Real Wind Energy Project na ipinaketeng isang proyektong renewable energy, pero sa aktwal ay iskema ng malawakang pagpapalayas sa mga magsasaka. Sasaklawin ng naturang proyekto ang 5,670-ektaryang lupa. Nakaamba din ang mapangwasak na mga proyekto ng mga kumpanyang mapandambong sa Polillo Group of Islands. Kabilang sa mga ito ang kumpanyang Alphaland.

Giit ni dela Guerra, hindi kailanman titigil ang rebolusyon sa prubinsya hangga’t may pang-aalipin at pagsasamantalang dinadanas ang mamamayang Quezonin. “Nagngingitngit sa galit ang mga Quezonin sa mga isinusulong na huwad na proyektong pangkaunlaran dahil sa dala nitong mga bantang wasakin ang kanilang buhay at kabuhayan at ilubog sila sa higit na kahirapan.”

Idineklarang “insurgency-free” ang Quezon noong Hunyo 12, araw ng huwad na kalayaan, sa isang pagtitipon sa prubinsya. Pinangunahan ang aktibidad ni Tan, mga upisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ipinagmayabang sa pagtitipon ang paggamit ng “whole-of-nation” approach bilang susing programa sa kampanyang kontra-insurhensya, na sa esensya ay pagsupil sa pambansa at demokratikong pakikibaka ng mamamayang Quezonin.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/deklarasyong-insurgency-free-sa-quezon-para-sa-mga-mapandambong-na-proyekto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.