Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
June 23, 2023
Pinagbabaril ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang nagtatrabaho sa kalsada sa Sityo Abanggan, Barangay San Carlos, Milagros si Randy Dionan Mahinay, 38-anyos, may asawa at mga anak nito lamang Hunyo 21, 2023 alas-8 ng umaga. Si Mahinay ang ika-15 biktima ng pampulitikang pamamaslang ng militar sa Masbate sa ilalim ng teroristang rehimeng US-Marcos Jr-Duterte.
Sa loob ng isang linggo, dalawa ang napaslang sa serye ng mga pagpatay na isinagawa ng militar ngayong ikalawang linggo ng Hunyo. Kabilang dito ang tangkang pagmasaker sa mga magbubukid sa hangganan ng Barangay Calabad at Balantay, bayan ng Dimasalang noong Hunyo 16 kung saan napatay ang menor-de-edad na si Rey Belan. Noong Hunyo 18, tinngka ring patayin ang punong barangay na si Rodolfo Igot sa kanya mismong tahanan sa Barangay Barag, bayan ng Mobo.
Walang iba kundi si Marcos Jr at Sara Duterte ang utak ng malawakang kampanya ng pagpaslang sa Masbate at sa buong bansa.
Pinalitan ng sweat shirt ang suot ni Mahinay na uniporme sa mga trabahante sa kalsada at sinaklayan pa ng baril upang palabasing NPA na napaslang ng militar sa isang engkwentro.
Si Mahinay ay aktibong kasapi ng samahan ng mga maralitang magsasaka sa kanilang lugar. Mahigpit na tinututulan ng kanilang samahan ang planong pagpapalawak ng dayuhang kumpanyang Filminera-Masbate Gold Project sa bayan ng Mobo, Uson at Milagros.
Pinalalabas ng kaaway na sangkot si Mahinay sa pag-ambus at pagkamatay ng kanilang abusadong intel na si Ganga Dalanon noong Abril 14, sa dahilang sa kalsadang tinatrabaho nito nangyari ang pananambang ng NPA sa kanilang tauhan.
Desperado ang kaaway na pagtakpan ang kanilang kabiguan at maghasik ng terorismo upang ilayo ang mas lumalawak pang suporta ng masa sa armadong pakikibaka.
Sa kabila ng matinding pagbatikos ng masang Masbatenyo sa tila sirang plakang paulit-ulit na pagpapatugtog ng mga pekeng balita at disimpormasyon ng mga tagapagsalita ng AFP sa sosyal midya ay walang kahihiyan pa ring naglulubid ito ng buhangin. Patunay ito na desperado ang kaaway na sirain ang imahe ng rebolusyonaryong kilusan at ng NPA sa mata ng masang Masbatenyo. At ibintang ang kanilang mga karumaldumal na krimen sa pulang Hukbo.
Hibang naman ang militar sa pag-aakalang paniniwalaan ng masang Masbatenyo ang kanilang kasinungalingan! Nagkakamali ang kaaway na maaaapula nila ang lumalagablab na suporta ng masang Masbatenyo sa armadong paglaban. Sa halip, lalong nauunawaan ng mga Masbatenyo na wasto, kailangan at makatarungan ang rebolusyonaryong armadong paglaban sa teroristang armadong pang-aapi ng estado.
Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mga mamamayan ng prubinsya na kumilos upang kundenahin at isakdal ang rehimeng US-Marcos-Duterte sa malawakang pampulitikang pamamaslang na tatak ng kanyang unang taon sa kapangyarihan.
Lalong napapatunayang nakasalalay sa pagkakaisa at pagkilos ng mga Masbatenyo ang paglaban sa paghahari ng terorismong militar sa prubinsya. Napatunayang walang saysay ang matakot at manahimik.
Makiisa sa pagpapanagot sa militar, pulis at CAFGU sa nagaganap na malawakang pampulitikang pamamaslang sa Masbate. Maaaring ring dumulog o magsampa ng kaso ang mga pamilya at kaanak sa hukumang bayan. Makipag-ugnayan lang sa mga yunit na nakakasaklaw sa inyong mga lugar.
Kaisa ng masang Masbatenyo ang Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa pagpapanagot at pagpapataw ng karampatang kaparusahan sa mga teroristang militar upang bigyang hustisya ang mga biktima ng pang-aabuso at ekstrahudisyal na pamamaslang. Ibayong paiigtingin ng NPA-Masbate ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba upang pagbayarin ng mahal ang mga elemento ng AFP-PNP-CAFGU na sangkot sa kampanya ng pagpatay at karahasan sa prubinsya.
Sa patuloy at mahigpit na pagsuporta at paglahok sa armadong pakikibaka tiyak na makakamit ng masang Masbatenyo ang tunay na katarungan at hustisya.
https://philippinerevolution.nu/statements/kampanya-ng-malawakang-pamamaslang-sa-mga-sibilyan-desperadong-paraan-ng-afp-at-ng-rehimeng-marcos-jr-duterte-sa-pagdurog-sa-armadong-paglaban-sa-masbate/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.