Thursday, June 29, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Profiling ng DepEd sa mga kasaping guro ng ACT, kinundena

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 24, 2023): Profiling ng DepEd sa mga kasaping guro ng ACT, kinundena (DepEd's profiling of ACT faculty members, condemned)
 





June 24, 2023

Kabi-kabila ang pagkundena sa internal na memorandum na inilabas ni Sara Duterte, kalihim ng Department of Education, na may petsang Hunyo 16, 2013 na nag-utos na tukuyin ang lahat ng mga gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ang memorandum ay ipinadala sa lahat ng pinuno ng ahensya sa antas rehiyon at dibisyon.

“Lubos na nakaaalarma ang operasyong profilng ng DepEd laban sa ACT at mga myembro nito at isa itong malinaw na paglabag sa mga batayang karapatan,” ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Rep. France Castro. “Ang pagsisiwalat at paglilikom ng kanilang sensitibong mga personal na impormasyon nang walang pahintulot mula sa kanila ay direktang pag-atake sa kanilang pribasiya at seguridad.”

Hindi nakikipagkoordina ang ACT sa sentral na pamunuan ng DepEd kaugnay sa mga usaping unyon kaya walang dahilan para sa gayong memorandum, ayon sa kongresista. Naniniwala siyang nilikom ang mga pangalan para ired-tag ang mga myembro nito.

Mula nang maupo si Duterte sa ahensya, at kahit bago pa nito, aktibo siya sa pangreredtag at pagpaparatang sa ACT at lahat ng mga progresibo. Noong Abril, panibagong serye ng redtagging ang ginawa ni Duterte, matapos maupo siya bilang co-chairperson ng NTF-Elcac. Dahil dito, naghapag ng reklamo ang mga guro sa International Labor Organization.

Sa kongreso, naghain ang mga kongresista ng Makabayan ng resolusyon para kundenahin ang naturang memorandun at ipanawagang kagyat na itigil ng ahensya ang iligal na profiling, papanagutin ang ahensya para magpaliwanag sa mga layunin nito at tiyakin na napoprotektahan ang lahat ng nakalap na personal na impormasyon at sensitibong datos ng mga myembro ng ACT alinsunod sa kanilang mga karapatan sa ilalm ng konstitusyon.

“Hindi namin ito deserve!” bwelta ng mga guro sa ACT NCR Union.

“Para sa profiling ba ito? Para matakot ang mga gurong myembro ng unyon?” anila. “Di namin mawari na ginagawa ito ng DepEd ngayong napakaabala ng mga guro sa napakaraming paperworks, school form at requirement. Wala pa nga ho kaming pahinga, delayed na delayed pa ang mga benepisyo!”

Ayon sa unyon, ang kailangan ng mga guro ngayon ay isang ahensyang may malasakit sa kanila na napakababa ng sahod, napakaraming trabaho at kapos sa benepisyo. “Ngayon, sisikilan nyo pa ng karapatang mag-unyon,” anito.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/profiling-ng-deped-sa-mga-kasaping-guro-ng-act-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.