June 23, 2023
Pinagbabaril at napatay ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Randy Dionan Mahinay sa Sityo Abanggan, Barangay San Carlos, Milagros noong Hunyo 21 ng umaga habang nagtatrabaho sa konstruksyon ng kalsada sa lugar. Naulila ni Mahinay ang kanyang asawa at mga anak.
Pinatay ng militar si Mahinay dahil idinadawit siya sa inilunsad na ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa mga aset paniktik at CAFGU, kung saan isa ang napatay, noong Abril 14 sa parehong barangay. Pinaratangan siyang tumulong sa mga Pulang mandirigma dahil lamang nagtatrabaho siya sa kalsada kung saan nangyari ang ambus.
Ayon pa sa ulat, pinalitan ng “sweat shirt” ang suot na uniporme sa trabaho ni Mahinay at sinukbitan pa ng baril upang palabasin na isa siyang mandirigma ng BHB na napatay sa engkwentro. Layon nitong pagtakpan ang karumal-dumal na krimen ng pagpatay sa sibilyan.
Isa rin siyang aktibong kasapi ng samahan ng mga maralitang magsasaka sa kanilang lugar na tutol sa planong pagpapalawak ng dayuhang kumpanyang Filminera-Masbate Gold Project sa bayan ng Mobo, Uson at Milagros.
Ang pamamaril at pagpatay ng mga sundalo sa mga sibilyan ay tahasang paglapastangan sa mga internasyunal na makataong batas, mga batas ng digma at iba pang internasyunal na deklarasyon na nagbibigay ng proteksyon sa mga sibilyan at di-kombatant saan man may armadong sigalot.
Ipinagbabawal sa ika-32 Artikulo ng Fourth Geneva Conventions ang anumang hakbang na magreresulta sa pagdurusang pisikal o pagpuksa sa mga taong nasa ilalim ng proteksyon nito. Anito “…hindi lamang ito aplikable sa pagpatay, tortyur, pananakit, mutilation (pagputol sa anumang bahagi ng katawan) …kundi maging sa iba pang pamamaraan ng brutalidad, gawa man ng ahenteng sibilyan o militar.”
Labag din ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan ng Gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/trabahante-sa-konstruksyon-pinatay-ng-militar-sa-masbate/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.