Thursday, June 29, 2023

CPP/NPA-Masbate: Nakikiisa ang mga Masbatenyo sa masang Albayano sa pagharap sa delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 23, 2023): Nakikiisa ang mga Masbatenyo sa masang Albayano sa pagharap sa delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon (The people of Masbatenyo join the masses of Albayano in facing the deluge caused by the eruption of the Mayon volcano)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

June 23, 2023

Ipinababatid ng mamamayang Masbatenyo at ng kanilang rebolusyonaryong kilusan ang pinakamahigpit na suporta at pakikiisa sa masang Albayano.

Sang-ayon sa panawagan ng Bagong Hukbong Bayan-Albay na pagtulong sa mga apektado, handa ang Jose Rapsing Command-BHB Masbate at mga rebolusyonaryong organisasyong masa na tumugon sa mga kinakailangang ambag at suporta para sa mga apektadong mamamayan.

Ang malubhang kalagayan sa kasalukuyan ng mga mamamayan ng prubinsya ay pagpapatunay sa ilang dekadang kapabayaan at paglapastangan ng reaksyunaryong gubyerno sa Mayon area upang gawing pugad ng neoliberalismo sa Albay.

Sa halip na ipamahagi ang malalawak na lupaing agrikultural sa labas ng palibot ng bulkan upang bungkalin at pagtamnan ng mga magsasaka, agresibong dinebelop ng lokal na naghaharing-uri tulad nina Joey Salceda at Zaldy Co ng AKO Bicol partylist ang Mayon area para sa ekoturismo, negosyo at mapaminsalang mga operasyong quarry at mina. Sa ilalim ng pakanang Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi (GUICADALE) development complex, malawakang sinimento ang mga sakahan at taniman upang bigyang daan ang tahi-tahing mga kalsada, ang Bicol International Airport at ang Ibalong Cement Factory. Nagdulot ito ng malawakang dislokasyon sa mga komunidad ng magsasaka.

Dahil sa mga kontra-mamamayan at neoliberal na mga patakarang ito, wala nang mapupuntahan ang mga magsasaka. Sa katunayan, namumrublema ang mga lokal na yunit ng gubyerno na imantini ang lumalaking bilang ng mga evacuees lalo’t mahihirapan silang hanapan ang mga ito ng relokasyon. Hindi rin katanggap-tanggap para sa masa ang masisikip na relocation areas lalo’t malayo ito sa kanilang kabuhayan.

Tulad sa Albay, kasalukuyan ding kinakaharap ng mga Masbatenyo ang banta ng mas agresibong pananalasang neoliberal hatid ng ekspansyon ng Masbate Gold Project ng kumpanyang Filminera, Masbate International Tourism Enterprise ng Empark at iba pang mapaminsalang proyekto.

Nananawagan ang BHB – Masbate sa mamamayang Masbatenyo na mag-ambag ng pinakamalapad na pagtulong para sa mga kapwa nila Bikolano. Masbatenyo man o Albayano, lahat ay Pilipino at magkababayang malaon nang biktima ng kahirapan, gutom at pambubusabos ng estado. Sinumang nais magpaabot ng tulong ay maaaring umugnay sa mga yunit ng Hukbo o lokal na Sangay ng Partido sa kanilang lokalidad.

https://philippinerevolution.nu/statements/nakikiisa-ang-mga-masbatenyo-sa-masang-albayano-sa-pagharap-sa-delubyong-hatid-ng-pagsabog-ng-bulkang-mayon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.