June 23, 2023
Pinaralisa ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros noong Hunyo 14 ang dalawang backhoe sa Sityo Bulod, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental na ginagamit sa konstruksyon ng Himamaylan-Tayasan Road na magbibigay-daan sa malalaking kumpanyang mina na gustong pumasok sa kabundukan ng Cansermon, Tahod-Ilahas, Cambantog at kalapit na mga lugar.
Ang dalawang backoe na pag-aari ng ESJ construction firm ng mga Javelosa at mga Gensulin ay nagkakahalaga ng ₱7.5 milyon. Walang nasaktan na trabahador ng kumpanya sa operasyong ito.
Anang BHB, ang pagpasok ng mga kumpanyang mina sa mga erya na ito sa Negros Occidental ay tutungo sa pag-aagaw ng lupa ng tribung Ituman-Maghat-Bukidnon. Nakatakda ring buksan ang erya para sa ekoturismo na sasagasa sa kabuhayan ng mga residente.
Liban sa mga perwisyong ihahatid nito, nakatanggap din ng ulat ang hukbong bayan kaugnay ng hindi maayos na mga kundisyon sa paggawa at mababang sahod na ipinatutupad ng kumpanya.
Iniulat ng yunit ng BHB na nauna nang pinatawan ng sangsyon ang kumpanya noong Setyembre 2021 sa parehong mga rason.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/2-backhoe-pinaralisa-ng-bhb-sa-himamaylan-city/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.