June 23, 2023
Tinangkang patayin ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Rudolfo Ygot sa kanyang bahay sa Barangay Barag, Mobo, Masbate noong Hunyo 18. Ang 41-anyos na si Ygot ay kapitan ng naturang barangay at lubos na tumututol sa pagpapalawak ng Filminera-Masbate Gold Project sa kanilang komunidad.
Nakatakdang saklawin ng ekspansyon ng pagmimina ng Filminera ang mga bulubunduking bahagi sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo. Pinangangambahan na matutulad ang mga bayang ito sa sinapit ng Aroroy kung saan pinatag ang lupa, nag-iwan ng malalaking buho at inimbakan ng mga nakalalasong kemikal ng Filminera.
Ang kumpanyang Filminera Resources Corporation ay 40% pag-aari ng B2Gold, kumpanyang Canadian, at 60% pag-aari ng kumpanyang Pilipino na Zoom Mineral Holdings Inc. Samantala, pag-aari ng B2Gold ang Philippine Gold Processing & Refining Corporation na nagpoproseso ng gold ore (batong may ginto).
Ayon mismo sa B2Gold, inaasahan nitong magpoprodyus ang Masbate Gold Project ng 170,000 hanggang 190,000 onse (ounce) ng ginto ngayong 2023. Gayundin, inaasahan nitong makapagpoproseso ang minahan ng 7.8 milyong tonelada ng ore.
Tutol si Ygot sa ekpansyon dahil batid niyang walang kaunlarang idudulot para sa kanyang nasasakupan ang pagmimina at sa halip ay itataboy nito ang mga residente mula sa kanilang lupa at kabuhayan.
Lubos na kinundena ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) sa Masbate ang tangkang pagpatay ng mga sundalo. Ayon sa grupo, pinupuntirya ng militar ang lokal na mga upisyal at masang Masbatenyo na patuloy na tumututol sa ekspansyon ng Filminera para hawanin ang landas sa pagpasok ng mapaminsalang mina.
Ilang araw pa lang ang nakaraan, naganap ang tangkang pagmasaker ng mga sundalo sa mga mangangasong magbubukid sa Sityo Manaybanay, Barangay Calabad, Dimasalang noong Hunyo 16. Napatay ng mga sundalo sa walang-habas na pamamaril ang 17-anyos na estudyanteng si Rey “Carling” Belan at ikinasugat ni Panoy Pepito. Hinuli rin ng mga sundalo ang tatlo pa nilang kasamahan.
Ang pamamaril at pagpatay ng mga sundalo sa mga sibilyan ay tahasang paglapastangan sa mga internasyunal na makataong batas, mga batas ng digma at iba pang internasyunal na deklarasyon na nagbibigay ng proteksyon sa mga sibilyan at di-kombatant saan man may armadong sigalot.
Ipinagbabawal sa ika-32 Artikulo ng Fourth Geneva Conventions ang anumang hakbang na magreresulta sa pagdurusang pisikal o pagpuksa sa mga taong nasa ilalim ng proteksyon nito. Anito “…hindi lamang ito aplikable sa pagpatay, tortyur, pananakit, mutilation (pagputol sa anumang bahagi ng katawan) …kundi maging sa iba pang pamamaraan ng brutalidad, gawa man ng ahenteng sibilyan o militar.”
Labag din ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan ng Gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/kapitan-ng-barangay-na-tutol-sa-filminera-masbate-gold-project-tinangkang-patayin-ng-afp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.