Thursday, June 29, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Tagapangulo ng samahang magsasaka sa Negros Occidental, inaresto

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 26, 2023): Tagapangulo ng samahang magsasaka sa Negros Occidental, inaresto (Chairman of the farmer association in Negros Occidental, arrested)
 




June 26, 2023

Inaresto ng mga pwersa ng estado ang lider-magsasakang si Susan Medes, tagapangulo ng Baklayan, Bito, Cabagal Farmers Association (BABICAFA), sa Repullo St, Barangay 2, Kabankalan City, Negros Occidental noong Hunyo 25. Si Medes ay residente ng Sityo Bito, Barangay Buenavista, Himamaylan City.

Pangalawang bigwas ito ng mga armadong tauhan ng rehimeng Marcos laban sa naturang organisasyon ngayong buwan. Noong Hunyo 14, minasaker ng 94th IB ang pamilyang Fausto, mga kasapi ng naturang organisasyon, sa Barangay Buenavista, Himamaylan City.

Sinampahan ng gawa-gawang kaso si Medes. Idinadawit siya sa kasong pagpatay at pinararatangang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros. Walang inirekomendang pyansa ang lokal na korte kaugnay ng kanyang kaso. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Kabankalan City Police Station.

Ayon sa Human Rights Advocates Negros (HRAN), may 17 pang iba ang kinasuhan kasama ni Medes. Inaakusahan silang sangkot sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at BHB sa Sityo Bunsad, Barangay Tan-awan, Kabankalan City noong Mayo 12, 2018.

Ang asawa ni Medes na si Rodrigo, kasama ang anim na iba pa, ay dinakip din sa gawa-gawang mga kaso ng 62nd IB at pulis noong Hunyo 26, 2019 sa Himamaylan City. Mga kasapi rin sila ng BABICAFA.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/tagapangulo-ng-samahang-magsasaka-sa-negros-occidental-inaresto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.