From the Philippine Information Agency (Oct 21, 2020): Tagalog News: Serbisyo Caravan ng PTF-ELCAC sa Bgy. Tanatanaon, Dumaran, kasado na (By Orlan C. Jabagat)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt. 21 (PIA) -- Kasado na ang isasagawang serbisyo caravan ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa Bgy. Tanatanaon, Dumaran, Palawan.Sa pagpupulong ng PTF-ELCAC kahapon, napagkasunduan na isasasagawa ang serbisyo caravan sa Oktubre 23.
Ilan sa mga serbisyong dadalhin ng grupo ay ang dental, medical at veterinary services na kadalasang kulang sa mga liblib na lugar tulad ng Bgy. Tanatanaon.
Magsasagawa naman ng legal consultation ang PTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster kaugnay ng mga usapin sa land grabbing at problema sa lupa ng mga residente sa nasabing barangay.
Pagsasanay sa paggawa ng tinapay naman ang hatid ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan para sa mga kababaihan na inorganisa ng Provincial Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC).
Mamamahagi rin ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng mga food pack at local social pension ng mga senior citizen at Person with Disabilities (PWDs) ng nasabing barangay.
Ang serbisyo caravan ay isasagawa sa pagtutulungan ng PTF-ELCAC, Municipal Task Force-ELCAC ng Bayan ng Dumaran at ng Barangay Task Force-ELCAC ng Bgy. Tanatanaon. (OCJ/PIA-MIMAROPA)
https://pia.gov.ph/news/articles/1056508
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.