From the Philippine Information Agency (Oct 21, 2020): Tagalog News: 4 NPA sa OrMin, nagbalik-loob sa pamahalaan (By Dennis Nebrejo)
Sumuko sa Police Regional Office Mimaropa ang apat na dating rebeldeng NPA na iprinisinta ni Regional Director PBGen Pascual Muñoz sa media noong Oktubre 19.
LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 20 (PIA) -- Nakataklob ang mga mukha ng iprinisinta ni Police Regional Director BGen Pascual G Muñoz sa media ang apat na dating rebeldeng New Peolples Army (NPA) na pawang mga katutubong Mangyan ang sumuko sa kapulisan upang magbalik loob sa pamahalaan dahil hindi na nakayanan ang hirap at gutom na dinaranas sa kabundukan.
Naganap ang presentasyon sa Punong Himpilan ng Kapulisan sa Rehiyon sa Camp Efigenio C Navarro, Brgy. Suqui sa lungsod na ito matapos ang ginawang pagsuko noong Oktubre 19 sa bayan ng Bulalacao.
Ayon sa heneral, “ang tatlo sa apat na tinaguriang Former Rebel (FR) ay nagsilbing mga courier o tagapaghatid ng mga bagay, armas o mensahe habang ang isa ay kasamang nakikipagdigma sa pamahalaan kung saan kabilang ito sa ilang mga engkwentro partikular noong Enero sa bayan ng Bulalacao.”
Naging emosyonal ang isa sa mga sumuko ng kaniyang sabihin at sariwain ang kanilang masamang karanasan sa kanilang mga kasamahang rebelde kung kaya nagpasya na sila na sumuko sa mga otoridad dahil alam din nila na nanganganib ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sabi ng isang sumuko, “kaya kami nagbalik-loob sa gobyerno dahil alam namin na may magandang programa ang pamahalaan na hindi kayang ibigay ng mga kasamahan naming rebelde. Naranasan namin ang gutom, hirap at kahit umuulan kami ay patuloy sa paglalakad kaya kami ay nananawagan din sa aming mga kasamahan sa bundok na makiisa na lamang tayo sa pamahalaan.”
Pagtatapos na mensahe ni Muñoz, “isang magandang pangyayari ang naganap ngayong araw, ang pagsuko ng ating mga kapatid na namumundok para sa kanilang adhikain na alam natin na wala sa panahon. Sila ay biktima lamang ng mga mapagsamantalang samahan kaya inilatag ng pamahalaan ang Executive Order No. 70 upang ipaalam sa mga kababayan na lumalaban sa pamahalaan ang magandang programa na nakalaan para sa kanila. Magkaisa na tayo para sa isang progresibong bansa na ating ginagalawan.” (DN/PIA-OrMin)

https://pia.gov.ph/news/articles/1056446
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.