Wednesday, October 21, 2020

CPP/NPA-Camarines Sur: Panibagong kaso ng Pamamaslang sa bayan ng Bato, bigwas ng ganap na pagpapatupad ng Anti-Terror Law!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 20, 2020): Panibagong kaso ng Pamamaslang sa bayan ng Bato, bigwas ng ganap na pagpapatupad ng Anti-Terror Law!

RAMONA CACERES
SPOKESPERSON
NPA-CAMARINES SUR
EDMUNDO OLBARRA COMMAND
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
ROMULO JALLORES COMMAND\
NEW PEOPLE'S ARMY

OCTOBER 20, 2020



Kinukundena ng Eduardo Olbarra Command – Bagong Hukbong Bayan Camarines Sur ang pamamaslang ng mga elemento ng 83rd Infantry Battallion kay Joan Marpiga y Baladia sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Brgy. Mangga, bayan ng Bato, Camarines Sur noong 1:00 ng madaling araw (Oktubre 18). Tulad ng nakasanayan nang panloloko ng militar, pinalabas na NPA si Marpiga at nanlaban matapos hainan ng mandamyento de aresto ng mga pasistang tropa sa dis-oras ng gabi. Pinasok naman ang katabing bahay at pinagbububugbog ang may-ari nito. Sinasaklaw ang bayan ng Bato ng operasyong militar sa ilalim ng Retooled Community Support Program.

Ang nangyaring pamamaslang kay Marpiga ay isa sa mukha ng terorismo ng estado na Anti-Terror Law. Sa Kabikulan, karaniwan nang modus operandi ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) ang istilong Tokhang na mga operasyon laban sa mga pinaghihinalaang suportador ng rebolusyonaryong kilusan at sa gayo’y tinatatakan bilang terorista. Ito ay upang pagtakpan ang kanilang pagpatay sa mga masang magsasaka, kabilang ang mga masaker sa sibilyan sa Brgy. Dolos, Bulan, Sorsogon at nito lamang Setyembre, sa Brgy. Alas, Mandaon, Masbate.

Nananawagan ang EOC-BHB Camarines Sur sa mga mamamayan ng prubinsya na hadlangan ang papatinding bigwas ng Anti-Terror Law. Kundenahin ang militarisasyon sa prubinsya at magkaisa sa panawagang palayasin ang militar sa mga komunidad ng kanayunan.#

https://cpp.ph/statements/panibagong-kaso-ng-pamamaslang-sa-bayan-ng-bato-bigwas-ng-ganap-na-pagpapatupad-ng-anti-terror-law/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.