Posted to the Kalinaw News (Oct 20, 2020): People’s Organization sa Davao Occidental kumita mula sa pananim na gulay (By 10th Infantry Division)
Malita, Davao Occidental – Kasama ang kasundaluhan ng 73rd Infantry (Neutralizer) Battalion, pinagtulungan ng mga miyembro ng Kinabang-Lagnasan Upland Farmers Association (KILAGUFA) na anihin ang bunga ng kanilang taniman at pinanatili itong masagana sa lugar ng Brgy. Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Matapos masalanta ng insekto ang kanilang ibang tanim, hindi nawalan ng lakas ng loob ang mga miyembro upang gawing masagana ang kanilang nasimulang taniman. Sa ibinentang 30 kilos na kamatis, ito ang ginamit nila upang bumili ng mga buto ng gulay at punla ng dahon ng sibuyas.
Sabi ni Dario, presidente ng asosasyon, “wala nasayang ang among paningkamot ug pagpasingot nga namuhunan sa pagtukod sa among uma. Nagsugod man kami sa wala, apan wala kami nahuman sa wala. Magsilbi kini nga inspirasyon alang sa asosasyon aron molambo ang among panginabuhian.” (Hindi nasayang ang aming pagsisikap at pagpapawis na ipinuhunan sa paggawa ng aming sakahan. Nagsimula man kami sa wala, ngunit hindi kami magtatapos sa wala. Ito ang magsisilbing inspirasyon ng asosasyon sa pagpapalago ng aming kabuhayan)
Nais ding ipaabot ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang kanyang pagsuporta sa asosasyon sa pamamagitan ng kasundaluhan na gagabay sa kanilang araw-araw na gawain sa taniman.
“Ang mga asosasyon na itinatag ang magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga liblib na lugar. Sa kabuhayang mayroon sila ngayon, malayo na ang pagkakataong marekrut sila ng mapaglinlang na mga teroristang NPA,” dagdag ni LTC Valdez.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/peoples-organization-sa-davao-occidental-kumita-mula-sa-pananim-na-gulay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.