CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela – Hindi magtatapos sa pagsuko ang proseso ng pagtanggap ng pamahalaan sa mga nagbalik-loob kundi tuluy-tuloy na paggabay hanggang sa makabalik sila ng tuluyan sa komunidad.Isinagawa ang ‘debriefing/forum’ sa mga nagbalik-loob sa Sub Capitol, Bangag, Lal-lo Cagayan noong Hunyo 6-9, 2023.
Tinalakay ng DILG, DSWD, DOLE, TESDA at NHA ang iba’t ibang mga programa para sa mga former rebels na maari nilang mapakinabangan habang sila ay patuloy na ginagabayan ng pamahalaan na yakapin ang pagbabago mula sa kanilang radikal na kaisipan patungo sa tunay na layuning kapayapaan para sa kanilang sarili at sa bayan.Ang prosesong ito ay sinasailaliman ng bawat isang nagbabalik-loob hindi para pwersahin silang sumunod kundi proseso ng pagpapaunawa sa kanila sa kabutihang naidulot ng kanilang kusang loob na pagtatama sa kanilang mga nagawang pagmamalabis dahil sa bugso ng damdamin at kakulangan ng sapat na kaalaman sa kanilang nilalaban.
Bahagi ng aktibidad ang pagtalakay ng NICA Region 2 kaugnay sa nilalaman at adhikain ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan nakapaloob din dito ang tulong mula sa E-CLIP. Dito rin nakapaloob ang iba’t ibang agaran at pangmatagalang ayuda para sa mga former rebels mula sa kanilang pangkabuhayan at kapalit na halaga ng isinukong mga baril.
Pagkatapos ng mga serye ng kahalintulad na aktibidad ay sisimulan na ring iproseso ang iba pang kapakinabangan para sa kanila, hindi lamang para ipakita na sinsero ang pamahalaan kundi upang ipaintindi ang mas malalim na kahalagahan ng kanilang muling pagyakap sa pamahalaan.Nagtapos ang aktibidad sa isang tree planting activity kasama ang mga FRs, mga kinatawan ng bawat ahensiya ng pamahalaan na kabahagi sa programa at mga kasundaluhan bilang pagpapakita na iisa ang hangarin ng lahat – ito ay ang pagbabago at pagkamit ng pagkakaisa tungo sa kapayapaan.
https://www.kalinawnews.com/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.