Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
June 10, 2023
Nananawagan ang Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog sa mga tunay na makabayan at patriyotikong Pilipino na buong tapang na manindigan at ipaglaban ang kasarinlan at soberanya ng Pilipinas. Hindi dapat pahintulutan ang mga aktibidad militar ng imperyalismong US at mga kaalyado nito saanmang bahagi ng bansa. Tahasang paglabag ito sa pambansang soberanya at integridad ng Pilipinas habang nagsisilbi sa layunin ng US na mang-upat at itulak ang China na unang magpasiklab ng gera sa Asia Pacific.
Kabilang sa mga pinakahuli at nagpapatuloy na aktibidad militar sa bansa ang Exercise Kasangga na nagsimula noong Mayo 15 at matatapos sa Hunyo 23 sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. Isa itong pinagsanib na ehersisyong militar sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force na kaalyado ng US sa ilalim ng AUKUS (Australia-United Kingdom-United States). Lalahukan ito ng 200 tropa ng AFP at 50 pwersang Australian. Kasabay nito, pinaunlakan kamakailan lamang ni Ferdinand Marcos Jr. ang biglaang ehersisyong militar ng mga pwersang nabal ng Japan at US sa karagatan ng Bataan at pinalahok ang Philippine Coast Guard dito. Ang mga pagsasanay na ito ay ikinumpas ng imperyalismong US upang higit na paigtingin ang mga tensyon at paghandaan ang gera sa Asia Pacific.
Isang malaking taksil sa bayan si Marcos Jr. sa pagpapahintulot ng tuluy-tuloy na mga pinagsanib na ehersisyong militar ng AFP at mga pwersang dayuhan, laluna ng US, sa bansa. Nailusot ang mga aktibidad dahil sa mga umiiral at bagong pinirmahang di pantay na kasunduang militar ng Pilipinas sa imperyalismong US at mga kaalyadong bansa nito. Pinakahuli sa mga ito ang pinagtibay nina Marcos Jr. at Joe Biden na US-Philippines Bilateral Defense Guidelines na sa esensya’y pagpapaubaya ng papet na rehimeng US-Marcos II sa mga gerang agresyon ng US sa daigdig.
Kapalit ng pagpapakatuta, inaani ni Marcos Jr. ang suporta ng US para sa kanyang burukratikong kurapsyon, pagpapanatili sa kapangyarihan ng pamilya, anti-komunistang gera at pagbubusog sa mga heneral ng AFP-PNP. Nakatabing sa “pagsasanay at tulungan”, pinopondohan ng US ang AFP modernization at iba pang pasilidad militar na itatayo nito sa bansa. Ngunit dahil tuso ang imperyalismo, dinudugas ng US si Marcos Jr. at AFP-PNP sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga lumang kagamitang pandigma. Habang niluluto ang gera sa Asia Pacific, tumatabo ng limpak-limpak na tubo ang military industrial complex ng US upang isalba ang naghihingalong ekonomya nito. Tanda ito ng desperasyon ng US na nasa matinding krisis at pagbagsak bilang nangungunang imperyalistang kapangyarihan sa daigdig.
Ang US at si Marcos Jr. lang ang nalulugod sa mga ehersisyong militar. Pero para sa mamamayan, malaki itong perwisyo. Pinagbabawalan ang mga Pilipino na tumapak sa mga lugar sa bansa kung saan nagsasanay ang AFP at mga dayong pwersang militar. Kasuklam-suklam na hindi makapaghanapbuhay ang mga magsasaka at mangingisdang Pilipino sa mga niluulunsaran ng pagsasanay. Isinara ang mga baybayin na pinaglunsaran ng Balikatan exercises nitong Abril. Malaking pinsala rin ang mga pagsasanay na ito sa kapaligiran. Ikinabahala ng mga mangingisda ang pagkalat ng toxins at pagkagulo sa natural habitat ng mga isda sa mga ehersisyong militar ng AFP at tropang US sa karagatan ng bansa. Tiyak na maaapektuhan din ang kalikasan sa Sierra Madre na lunsaran ng Exercise Kasangga.
Nararapat paigtingin ng mamamayang Pilipino ang mga anti-imperyalistang pakikibaka ng bayan. Mariing tutulan ang pakanang gera ng US sa Asia Pacific at ang paggamit sa Pilipinas para rito. Padagundungin ang mga pag-aalsang bayan para palayasin ang mga tropang militar at base militar ng US sa bansa. Pakilusin ang pinakamaraming makabayan at patriyotiko para ipabasura ang mga di pantay na kasunduang militar sa US at mga kaalyado nito.
Singilin si Marcos Jr. sa garapalang pagtataksil sa bayan at pagpapakatuta sa imperyalismong US. Papanagutin ang berdugong AFP-PNP sa mga krimen nito sa mamamayan. Labanan ang madugong kontra-rebolusyonaryong gerang sinusuportahan ng US.
Nahaharap ang buong bayan ngayon sa krusyal na yugto ng kasaysayan kung saan nanganganib na pumutok ang gera sa pagitan ng mga imperyalistang US at China. Sinasamantala ng US upang mang-upat ng gyera ang usapin sa Taiwan at maging ang isyu ng panghihimasok ng Tsina sa mga isla’t karagatan sa West Philippine Sea. Nararapat na higit na pahigpitin ang pagkakaisa ng malawak na masa at NPA. Ubos-kayang ipagtanggol ang bansa laban sa imperyalistang agresyon. Makakaasa ang mamamayang Pilipino na tutupdin ng NPA sa rehiyon at buong bansa ang tungkulin nitong isusulong at paiigtingin ang digmang bayan bilang matibay na sandata laban sa imperyalistang gera.###
https://philippinerevolution.nu/statements/exercise-kasangga-ng-pilipinas-at-australia-bahagi-ng-imperyalistang-pakana-ng-us-imperyalistang-agresyon-labanan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.