Central Luzon Regional Operational Command
New People's Army
June 10, 2023
Pitong tropa ng 91st IB ang patay sa matagumpay na operasyong isnayp ng Domingo Erlano Command BHB-Aurora sa kabundukan ng Barangay Diteki, San Luis, Aurora noong ika-9 ng Hunyo, 2023 bandang alas-9:15 ng umaga.
Noong ika-3 ng Hunyo ay 2 ang patay sa tropa ng 91st IB sa isnayping ng NPA sa kailugan ng Diamuloc, saklaw ng Barangay Punglo, Maria Aurora, Aurora.
Ipinagdiwang ng mga masa sa lugar ang paggagawad ng rebolusyonaryong hustisya laban sa mga abusadong sundalo. Isang linggo nang pineperwisyo at binabawalang maghanap-buhay ng mga sundalo ang mga masa sa lugar. Binabawalan silang magpunta sa kanilang mga kaingin at hinaharang ang kanilang mga pinamili dahil ibibigay diumano nila ito sa mga NPA.
Higit pa rito, ilang taon nang inirereklamo ng mga masa ang panggigipit at pananakot ng 91st IB. Hinuhuli ang maliliit na mag-uuling at maghahalaman sa gubat. Kinukuha ang pinaghirapan nilang mga produkto at saka ibebenta para pagkakitaan ng mga sundalo. Pinapaboran ang mga may kakayahang mag-abot ng “lagay” habang binabantaan at ikinukulong naman ang mga walang kakayahan.
Pasimuno rin ang 91st IB sa mga pekeng pagpapasurender. Tinitipon nila ang mga sibilyan sa isang aktibidad gaya ng relief operations, saka sila ihahayag at leletratuhang mga sumurender na NPA. Katuwaan lang din ng mga ito ang pamamaril sa mga sibilyan na nagdulot ng matinding trauma sa mga biktima. Kabataan man o senior citizen na hinihinalang kapamilya o kaugnayan ng NPA ay ginigipit at binabantaan.
Samantala, ligtas na nakaalis ang yunit ng NPA sa pinangyarihan sa tulong ng mga masang walang maliw ang suporta sa isinusulong na digmang bayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/91st-ib-muling-na-isnayp-ng-npa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.