June 13, 2023
Binugbog, ninakawan at tinakot ng mga lango sa kapangyarihan at walang sinasantong mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga ahenteng paniktik nito ang mga magsasaka sa bayan ng Palanas, Pio V. Corpus at San Fernando sa Masbate noong unang linggo ng Hunyo.
Noong Hunyo 1, binugbog ng mga sundalo si Nono Sayson nang masumpunang siyang nangunguha ng panggatong at takdong (snail) sa kakahuyang bahagi ng Barangay Buenasuerte, Palanas. Pilit siyang pinaaami na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Noong Hunyo 3, ninakawan sina Jovert Rabadon, Belino Cueva at isang nagngangalang Poloy sa Barangay Guindawhan, Pio V. Corpus. Walang kaabog-abog na kinuha ng mga nag-ooperasyong sundalo at ahenteng militar ang mga paninda, alagang kambing, bigas at manok pansabong ng tatlong magsasaka. Ang naturang yunit ay pinamumunuan ni Sgt. Ronald Ramos.
Noong Hunyo 5, pinagsasampal ng ahente ng militar si Bongbong Mandaraog sa Barangay Mabini, San Fernando. Nag-ooperasyon noon ang mga sundalo kasama ang isang traydor sa masa na kinilala sa kanyang alyas na Jake.
Naitala sa prubinsya ang higit 30 biktima ng pang-aabusong militar at ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte.
Ang mga sibilyan ay hindi dapat idinadawit sa armadong tunggalian sang-ayon sa internasyunal na makataong batas at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan ng gubyerno ng Pilipinas at National Demoratic Front of the Philippines.
Ang paglapastangan sa karapatan ng mga magsasaka ay labag sa Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 4 ng CARHRIHL: “Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-magsasaka-sa-masbate-binugbog-at-ninakawan-ng-mga-sundalo/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.