Wednesday, June 14, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Araw ng huwad na kalayaan, ginunita ng mga protesta

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 12, 2023): Araw ng huwad na kalayaan, ginunita ng mga protesta (False independence day, commemorated with protests)
 





June 12, 2023

Tumungo una sa konsulado ng China, at pagkatapos sa embahada ng US ang mga progresibong grupo ngayong araw, itinuturing na “Araw ng Kalayaan” ng reaksyunaryong estado. Kinundena nila ang panghihimasok ng dalawang nag-uumpugang imperyalista sa teritoryo at mga internal na usapin ng bansa. Anila, hindi tunay na malaya ang Pilipinas dahil patuloy itong kinukubabawan ng imperyalismong US.

Sa harap ng konsulado ng China, kinundena nila ang iligal na pag-angkin nito sa soberanong teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea at RCEP. Iginiit naman ng mga katutubong sumama sa pagkilos ang kanilang pagtutol sa pinondohan ng China na mga dam Kaliwa, Kanan at Laiban. Anila, apektado nito hindi lamang ang kabundukan ng Sierra Madre, kundi pati ang kalapit na mga lugar sa Rizal at Metro Manila.

Sa embahada ng US, ipinanawagan nila ang pagpapalayas ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas at tinutulan ang panibagong tulak para magtayo ng mga base nito sa ngalan ng EDCA. Tinawag ng mga raliyista ang US bilang “numero unong warmonger” (manunulsol ng gera) at binalikan ang apat na gera na inilunsad ng US sa Asia sa nakaraan at kung paano nito ginamit ang Pilipinas bilang lunsaran ng mga digmang ito.

Nagsagawa naman ng protesta ang mga progresibong grupo sa Southern Tagalog sa Kawit, Cavite kung saan unang itinaas ang bandila ng Pilipinas noong 1898. Tinangka silang pigilan ng mga pulis, at hanggang 15 minuto lamang ang kanilang programa. Sa kabila nito, iginiit ng mga grupo ang kanilang karapatan sa malayang pagpapahayag. Binigyan-pansin ng mga grupo ang pagdaraos ng mga war game sa rehiyon, tulad ng katatapos lamang na Kasangga 2023, na bahagi ng paghahanda ng US at mga kaalyado nito sa gera.

Sa Davao, naglunsad ng pagkilos ang mga grupong progresibo sa Freedom Park ng syudad.

ENGLISH TRANSLATION:

Progressive groups headed first to the Chinese consulate, and then to the US embassy today, considered "Independence Day" by the reactionary state. They condemned the interference of the two imperialists in the territory and internal affairs of the country. They said, the Philippines is not truly free because US imperialism continues to undermine it.

In front of the Chinese consulate, they condemned its illegal claim to Philippine sovereign territory in the West Philippine Sea and RCEP. The indigenous people who joined the action asserted their opposition to the Chinese-funded dams Kaliwa, Kanan and Laiban. They said, it affects not only the Sierra Madre mountains, but also the nearby areas in Rizal and Metro Manila.

At the US embassy, they called for the expulsion of American troops from the Philippines and opposed a new push to build its bases in the name of EDCA. The rallyists called the US the "numero unong warmonger" (instigator of war) and looked back on the four wars that the US launched in Asia in the past and how it used the Philippines as a launching pad for these wars.

Southern Tagalog progressive groups held a protest in Kawit, Cavite where the Philippine flag was first raised in 1898. The police tried to stop them, and their program lasted only 15 minutes. Despite this, the groups asserted their right to free expression. The groups have drawn attention to the holding of war games in the region, such as the recently concluded Kasangga 2023, which are part of the preparations of the US and its allies for war.

In Davao, progressive groups launched an action at the city's Freedom Park.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/araw-ng-huwad-na-kalayaan-ginunita-ng-mga-protesta/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.