Wednesday, June 14, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: BHB-Albay, handang tumugon sa sakuna ng pagsabog ng bulkang Mayon

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 12, 2023): BHB-Albay, handang tumugon sa sakuna ng pagsabog ng bulkang Mayon (NPA-Albay, ready to respond to the Mayon volcano eruption disaster)
 





June 12, 2023

Handa ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Albay at ang rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya na tumugon, mag-ambag at sumuporta sa pamamagitan ng sama-samang pag-iipon ng anumang tulong pinansyal at materyal para sa mamamayang Albayano sa harap ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa pahayag nito, sinabi ni Ka Florante Orobia, tagapagsalita ng BHB-Albay, nananawagan siya ng suporta mula sa mga karatig bayan para tulungan ang mga apektado ng pagsabog ng bulkan. Ani Orobia, “marami sa ating mga kababayan ang dati nang nasa gitna ng kahirapan, kagutuman at tagtuyot dagdag ang delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon.” Kaya kinakailangan umano ang ibayong pagkakaisa at pagtutulungan sa hanay ng masang magsasaka at maralita.

Sa huling tala, higit 14,000 residente o 4,000 pamilya na sa prubinsya ang lumikas dahil sa paglalabas ng lava ng bulkan at tuluy-tuloy na pagbubuga ng usok.

Noong Hunyo 8 unang inianunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon dahil sa “relatibong mataas na antas ng ligalig dahil ang magma ay nasa crater.” Nagsilbi din itong banta sa posibleng papatinding posibilidad ng peligrosong pagsabog sa darating na mga linggo o maging araw.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/bhb-albay-handang-tumugon-sa-sakuna-ng-pagsabog-ng-bulkang-mayon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.