Wednesday, June 14, 2023

CPP/NPA-Masbate: Pagbayarin ang AFP at mga rebel returnee na lumalabag sa karapatang-tao ng masang Masbatenyo

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 12, 2023): Pagbayarin ang AFP at mga rebel returnee na lumalabag sa karapatang-tao ng masang Masbatenyo (Make the AFP and rebel returnees who violate the human rights of the Masbatenyo masses pay)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

June 12, 2023

Magkakasunod na paglabag sa karapatang-tao ang ginawa ng Armed Forces of the Philippines at kanilang mga ahenteng rebel returnee laban sa masang Masbatenyo sa unang linggo ng buwan ng Hunyo ngayong taon.

Kabilang sa pinakabagong krimen ng militar kasama ng kanilang mga tutang rebel returnees ang pambubugbog at sapilitang pagpapaamin kay Nono Sayson na ito ay kasapi ng New People’s Army o NPA. Nangunguha ng panggatong at takdong (snail) ang biktima nang makaabot sa pinagpapahingahan ng militar sa kakahuyang bahagi ng Barangay Buenasuerte, Palanas noong ika – 1 ng Hunyo 2023.

Ninakaw naman ng nag-ooperasyong militar kasama ang mga taksil sa rebolusyonaryong kilusan at masang Masbatenyo na sina Rapol Anonuevo alyas Roy at Gerome Buhol ang mga paninda ni Jovert Rabadon, alagang kambing ng nagngangalang Poloy at kalahating sako ng bigas at manok pansabong ni Belino Cueva. Nangyari ang mga nakawan sa Barangay Guindawhan, Pio V. Corpus noong Hunyo 3. Pinamumunuan ni Sgt. Ronald Ramos ang nasabing yunit ng mga magnanakaw na militar at taksil na mga rebel returnee.

Sinampal din ng isang rebel returnee si Bongbong Mandaraog noong Hunyo 5, alas – 7 ng umaga sa Barangay Mabini, San Fernando. Nag-ooperasyon ang mga militar kasama ang taksil na kinilala sa kanyang alyas na Jake ng ginawa nito ang pananampal kay Mandaraog.

Ang mga biktima ay kabilang sa mahigit 30 na biktima ng pang-aabuso at ekstrahudisyal na pamamaslang sa Masbate sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte.

Nagpapakita ng matinding desperasyon ng militar ang pagdamay at pagpiga ng impormasyon gamit ang pandarahas sa mga sibilyan. Ngayong ikalawang kwarto, bigo ang kaaway na mabawi sa Pulang Hukbo ang inisyatiba. Natatakot ang kaaway na muling mabigo ang kautusan ng kanilang AFP Chief na si Bongbong Marcos na tatapusin ang armadong paglaban sa bansa sa loob lang ng isang taon.

Nag-uulol sa desperasyon ang rehimeng US-Marcos-Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa pinakamadaling panahon. Batid ni Marcos Jr na mababanat ang pwersa ng militar hatid ng paghila nito sa bansa sa posibleng pagsiklab ng gera sa pagitan ng mga imperyalistang US at Tsina. Katumbas ito ng pagtindi ng terorismo ng estado laban sa mamamayan, laluna sa mga sibilyan.

Muling gagamitin bilang lunsaran ng gera ng mga dayuhan at mananakop na bansa ang Pilipinas. Nangyayari ito dahil ang nagpapatakbo sa gubyerno ay mga reaksyunaryo at papet ng imperyalismong estado.

Sa kabilang banda, bingi at bulag ang rehimeng US-Marcos-Duterte sa tunay na ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Itinuturing nitong terorismo ang makatarungang hangarin ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan na kamtin ang tunay na kapayapaan at demokrasya ng bayan. Kasabay nito, patuloy na isinisigaw at hinahangad ng masang Masbatenyo at buong sambayanang Pilipino ang pagkamit sa katarungan at hustisya para sa kanilang mga kaanak na biktima ng pasismo ay terorismo ng estado. Makakamit lamang ito sa pagpapabagsak sa papet at reaksyunaryong estado sa pamamagitan ng pagtatagumpay ng digmang bayan sa Pilipinas.#

https://philippinerevolution.nu/statements/pagbayarin-ang-afp-at-mga-rebel-returnee-na-lumalabag-sa-karapatang-tao-ng-masang-masbatenyo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.