Leona Paragua
Spokesperson
NDF-Palawan
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
June 10, 2023
Tulad ng mga huwad na reporma sa lupa ng lahat ng rehimen, walang makabuluhang reporma sa lupa ang nakamit ng mga magsasaka sa 26 taong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) mula noong 1988 sa ilalim ng rehimeng US-Corazon Aquino hanggang magtapos ito noong 2014. Hindi kailanman tinugunan ng mga batas sa huwad na reporma sa lupa ng mga nagpalit-palitang rehimen kahit bago pa man ang PD27 ng pasistang diktador na rehimeng US-Marcos I ang daan-taong suliranin ng masang magsasaka sa kawalan ng lupa, lalong higit ang wasakin ang pyudal na sistema sa kanayunan. Bagkus, higit pa nitong ipinailalim ang mga lupang agrikultural ng mga magsasaka sa kontrol ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesyang kumprador at imperyalistang mga bansa.
Inilantad ng baluktot na pakahulugan ng CARP at mga aktwal na probisyon nito ang walang-pagdududang paglilingkod nito sa mga panginoong maylupa at mga korporasyon sa agribisnes. Ang kasuklam-suklam pa, kailangang magbigay ng kompensasyon at amortisasyon ang mga “benepisyaryong” magsasaka para sa lupang “ipinamahagi” sa kanila na sa katunayan naman ay malaon nang binubungkal at pinagmamay-arian ng mga magsasaka bago pa agawin sa kanila. Naging dagdag pang pasanin ng mga magsasaka ang binabayarang amortisasyon habang ginawa namang maluwag sa mga panginoong maylupa upang magkamal ng kapital na gagamitin sa pagbili ng mas marami pang lupain sa ibang lugar at idispatsa ang lupang hindi produktibo o hindi aayon sa kanyang mga planong negosyo.
Marami ring mga eksepsyon at butas sa sinasaklaw ng batas na CARP na ginamit ng mga panginoong maylupa upang hindi nito saklawin ang kanilang lupain tulad ng pagpapalit-gamit ng lupang agrikultural tungong lupang komersyal, residensyal, industriyal o pangturismo. Pabor na pabor para sa mga panginoong maylupa ang stock distribution scheme na kunwa’y nagdedeklara sa mga magsasaka bilang may-ari na rin asyenda, kasosyo sa negosyo, at hindi mga kasamá. Matingkad na halimbawa nito sa buong bansa ang pamilya Cojuangco sa Hacienda Luisita na nang-agaw at ibayong nagsamantala at nang-api sa mga magsasaka at manggagawang bukid sa loob ng asyenda.
Bunga ng mga butas sa batas na ito, naging mas madali at mabilis pa ang pangangamkam ng lupa sa magsasakang Palaweño. Sa kabuuang sukat ng lupain ng Palawan na 1,789,655 ektarya, nasa 454,405 ektarya lamang o 25% ng kabuuang lawak ng lupain ang agrikultural, habang 447,776 ektarya o 25% rin ang idineklarang alienable and disposable o lupang maaaring ipamahagi para gawing sakahan at taniman. Mula rito, nasa 101,610 ektarya o 22% ang pinag-aagawan at may mga usapin sa lupa na nagpapalayas sa mga magsasaka, kabilang na ang 67,610 ektaryang saklaw ng mga kaso ng pangangamkam ng lupa at ang kanselasyon ng certificate of land ownership award (CLOA), certificate of land title (CLT) at emancipation patent (EP) na pawang mga probisyon ng CARP at CARPER, 28,000 ektaryang saklaw ng pagmimina, at 6,000 ektaryang saklaw ng mga plantasyon ng oil palm.
Tampok sa mga anomalya ng pagpapatupad ng CARP sa Palawan ang Yulo King Ranch (YKR) at Lupang Paseco sa Coron at Busuanga; lupaing inaangkin ng Sto. Rosario Development Corporation sa Coron; at ng Pujalte Estate/Guevent sa Taytay. Ang YKR na sumasaklaw ng 40,000 ektarya ang isa sa pinakamalaking kaso ng pangangamkam ng lupa sa buong bansa mula pa noong panahon ng diktadurang rehimeng US-Marcos I. Kinamkam ni Ferdinand Marcos, Sr. ang lupain ng mga magsasaka at ipinamana ito sa kroning pamilya ni Luis Yulo at Peter Sabido upang gawing malawak na pastuhan. Nang isinailalim ito sa CARP, kakarampot lamang ang 1,575 ektaryang lupang naibalik sa mga magsasaka at hindi pa rin nababawi ng masang magsasaka ang puu-puong libong ektaryang lupaing ito na tinirhan, binungkal at nilinang nila mula pa noong dekada 1930.
Sa buong probinsya, nagamit ng dating gobernador Jose Chavez Alvarez ang CARP at pusisyon sa burukrasya para maging pinakamalaking panginoong maylupa sa probinsya. Pagmamay-ari niya ang higit-kumulang 100 libong ektaryang lupain kabilang ang halos 80% ng buong bayan ng San Vicente, dalawang pinakamalaking lokal na konsesyon sa pagtotroso sa probinsya at higit 20 negosyo at kumpanya sa buong probinsya.
Hindi kailanman binasag ng CARP at mga nauna pang huwad na reporma sa lupa, bagkus lalupang pinalala ang umiiral na pyudal at malapyudal na relasyon at pagsasamantala ng uring panginoong maylupa sa mga magsasaka. Ibayong nagdurusa ang mga magsasakang Palaweño sa labis na mataas na gastos sa produksyon laluna ang mga abono, pestisidyo at gatong sa mga makinarya habang nananatiling nakapako sa mababang halaga ang mga batayang produkto ng magsasakang Palaweño—palay, niyog, mais, saging at iba pa. Naging instrumento pa ang CARP upang tabingan ang pagpapatupad ng neoliberal na mga patakaran sa agrikultura na ibayong naglugmok sa atrasado, maliitan at pre-industriyal na agrikultura ng Pilipinas. Walang habas na isinubo ng CARP ang buong bansa, kabilang ang Palawan, sa bunganga ng imperyalistang pandarambong sa pamamagitan ng mina, ekoturismo at iba pa.
Sa halip na suportahan ang lokal na agrikultura, inilalako ng lokal na gubyerno ng probinsya ang kumbersyon ng mga lupain, maging mga lupaing publiko tungong mga agrokorporasyon. Talong-talo ang mga magsasaka, laluna ang mga manggagawang- bukid sa kaayusan sa mga plantasyon. Piso hanggang P3 lamang kada araw ang kinikita ng magsasakang may-ari ng lupaing pinagtatamnan ng oil palm habang P420 ang arawang kita ng isang plantasyon sa isang ektaryang saklaw nito. Bagsak rin ang sahod ng mga manggagawang-bukid na pinakamababa ang P150 kahit pa itinakda ng Department of Labor Employment na P322 minimum na sahod sa MIMAROPA.
Sa nakalipas na ilang dekadang pagpapatupad ng mga batas sa huwad na reporma sa lupa, nananatiling atrasado at lalong naghihirap ang mga magsasakang Palaweño sa paghagupit ng monopolyong kontrol sa ekonomya ng mga dayuhang kumpanya kasabwat ang mga lokal na malalaking burgesyang kumprador at panginoong maylupa. Hanggang sa kasalukuyan, nagbabalat-kayo pa ring maka-magsasaka ang inaprubahang mga batas ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II na New Agrarian Emancipation Bill at Masagana Rice Industry Development Program, gayundin ang ipinapanukalang National Land Use Law at proyektong mega-farm. Ang iba’t ibang iskemang ito ay mga bagong kaparaanan lamang para muling irekonsentra ang lupain sa mga panginoong maylupa at dayuhan.
Kaakibat ng walang pakundangang pangangamkam ng lupa na nakasakay sa CARP at iba pang huwad na reporma sa lupa ang pinatinding pandarahas sa mga magsasaka. Sa kasaysayan ng mga brutal na pasistang gera ng mga rehimen hanggang kay Marcos II, ang mga magsasaka ang isa sa mga pangunahing sektor na paulit-ulit na inaatake at pininsala ng estado. Kung saan may mga aktibong kasong agraryo, doon din pinakamarahas ang estado ng mga panginoong maylupa. Nito lamang Mayo 23, sapilitang pinalayas ang mga magsasaka at mangingisda at sinunog ng mga pribadong gwardya ng Northcrest Highland Ventures Corporation ang 20 sa 200 bahay na nakatirik sa Sitio Bucal-Bucal, Barangay Guadalupe, Coron.
Walang ibang maaaring gawin ang masang magsasaka kundi ang paigtingin ang paglaban upang makamit ang inaasam na lupa. Nasa kanilang kamay mismo ang pagsulong ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa sa paglaki at pagpapalakas sa mga samahang magsasaka na nagbibigkis sa kanilang demokratikong kahilingan. Dapat na magkaisa ang masang magsasakang Palaweño upang ipanawagan ang pagbabasura sa mga batas sa liberalisasyon ng agrikultura at huwad na reporma sa lupa. Ilunsad ang mga kampuhang magsasaka sa harapan ng iba’t ibang ahensya ng reaksyunaryong gubyerno na maggigiit ng kanilang karapatan sa lupa. Isulong ang mga kilusang magsasaka at kilusang magbubukid sa probinsya sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga bungkalan at sama-samang pagtatanim sa mga kolektibong sakahan.
Karugtong nito, dapat na pataasin pa ang antas ng anti-pyudal na pakikibaka ng mga magsasaka. Hindi sapat ang mga pakikibakang ligal upang makamit ng mga magsasaka ang lupang para sa kanila. Napatunayan na sa daan-taong paglaban ng mga magsasaka para sa lupa na hindi kailanman maglilingkod sa kanila ang batas, korte at reaksyunaryong gubyerno.
Tanging ang paglulunsad lamang ng demokratikong rebolusyong bayan ang lulutas sa problema sa lupa ng masang magsasaka. Itayo at ibayong palakasin sa iba’t ibang sulok ng kanayunan ng Palawan ang mga balangay ng rebolusyonaryong organisasyon ng mga magsasaka na Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM). Isulong ang minimum at maksimum na mga layunin ng rebolusyong agraryo. Nararapat na ipaglaban ng mga magsasaka sa Palawan ang pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng sahod ng manggagawang bukid, pagpawi sa usura (pagpapautang na may mataas na interes), pagpapataas ng presyo ng produktong bukid at pagpapababa ng presyo ng mga farm inputs.
Sa mga lugar na nakamit na ang sapat na lakas ng kilusang magsasaka at Bagong Hukbong Bayan, isakatuparan ang maksimum na programa kung saan nararapat na kumpiskahin ang lupa ng mga dispotikong panginoong maylupa, burgesya-kumprador at ng mga imperyalista at ipatupad ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang wala o kulang sa lupang mabubungkal. Palakasin ang Hukbong Bayan sa pamamagitan ng pagpapasampa ng pinakamabubuting anak ng magsasaka at ng buong bayan. Ang NPA ang tunay na hukbo ng mga magsasaka na kanilang katuwang sa pagtatangol sa karapatan sa lupa.
Sa pamamagitan lamang nito maibabagsak ang malakolonyal at malapyudal na lipunan, mawawakasan ang kontrol at dominasyon sa Pilipinas ng imperyalismo, malalaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa at masosolusyunan ang daan-taong suliranin ng mga magsasaka sa lupa. #
https://philippinerevolution.nu/statements/sa-ika-35-taon-ng-batas-sa-huwad-na-reporma-sa-lupa-na-carp-paigtingin-ang-anti-pyudal-na-pakikibaka-at-isulong-ang-rebolusyong-agraryo-sa-palawan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.