Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central Website (Mar 7, 2023): Pag-aaral at pagsasanay, inilunsad sa Negros sa gitna ng militarisasyon (Education and training, launched in Negros amid militarization)
March 07, 2023
Dalawang grupo ng mga mandirigma sa Central Negros at Southwest Negros ang nakapagtapos sa Intermedyang Kurso ng Partido (IKP) sa gitna ng matinding operasyong militar noong Pebrero. Isinagawa ang mga pag-aaral sa loob ng 13 araw.
Nakapagkonsolida ang puu-puong mga kasapi ng Partido, Hukbo at rebolusyonaryong organisasyong masa sa mga larangang gerilya sa gitna ng nagpapatuloy na operasyong pangkombat ng 302nd at 303rd IBde sa isla. Dahil sa suporta ng rebolusyonaryong masa, napanatiling bulag at bingi ang pasistang militar sa presensya ng hukbong bayan sa pinagdausang mga lugar.
Nakapagtapos din ang mga Pulang mandirigma ng Central Negros sa inilunsad na isang linggong pagsasanay sa Batayang Kurso Pulitiko-Militar (BKPM) kung saan nakapagpasampa ng halos isang tim na bagong kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
“Mas mainam na nandito tayo sa loob ng BHB dahil maaarmasan tayo ng kaalaman sa batayang rebolusyonaryong prinsipyo at mga teknik at taktika sa gerilyang pakikipaglaban upang gapiin ang kaaway na pulis at AFP at lahat ng kaaway sa uri,” pahayag ni Ka Jerry, isa sa mga Pulang mandirigma na kalahok sa inilunsad na crash course na pagsasanay militar.
Bilang praktika sa nakuhang kasanayan sa BKPM, inilunsad ng mga madirigma ang pitong aksyon militar sa Central Negros, kung saan tatlo ay aksyong punitibo at apat ay aksyong isnayp. Layunin ng mga armadong aksyong ito ang pahinain ang pasistang makinarya ng kaaway sa larangan.
Dagdag pa ni Ka Jerry, nagbigay ang pagsasanay ng karagdagang kaalaman at tapang sa mga mandirigma para patuloy na iabante ang armadong pakikibaka. Lalo nitong naihanda ang kaisipan ng mga mandirigma sa harap ng walang humpay na atake ng kaaway.
“Dapat armasan natin ang ating mga sarili sa usaping pulitiko-militar upang matibay nating maharap ang mga sakripisyo at kahirapan bilang mga Pulang mandirigma,” aniya.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/03/07/pag-aaral-at-pagsasanay-inilunsad-sa-negros-sa-gitna-ng-militarisasyon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.