March 07, 2023
Walang-patumanggang binomba ng mga jet fighter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mabundok na bahagi ng Barangay Gawa-an sa Balbalan, Kalinga bandang alas-2 ng madaling araw noong Marso 5.
Ayon sa paunang ang ulat ng Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), dinig hanggang sa mga bayan ng Upper Tabuk at Limos ang ingay ng mga fighter jet. Nakita rin ng mga residente sa lugar ang mga drone na pangsarbeylans. Kinaumagahan, dalawang helikopter naman ang umikot sa Balbalan.
Liban sa teroristang lagim na hatid sa mga sibilyang komunidad ng mga armas panghimpapawid ng AFP, iligal na dinakip ng mga sundalo ang siyam na residente ng Sityo Uta at Codcodwe ng Barangay Gawa-an. Dalawa sa kanila ay nagpapastol ng kalaba. Ang pitong iba pang sumaklolo sa kanila ay inaresto rin. Iligal silang idinetine ng pitong oras.
Dagdag ng CHRA, patuloy pang nagpapakat ng mga tropa ng militar sa bayan ng Balbalan na pinangangambahang magdudulot ng mga paglabag sa karapatang-tao. Mayroon ding ipinakat na howitzer sa Sityo Guesang, Poblacion na nakaharap sa Barangay Gawa-an.
Nanawagan ang grupo na tuluy-tuloy na tutukan at imbestigahan ang naturang insidente para tiyakin ang seguridad at kagalingan ng mga sibilyang komundiad.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/kabundukan-sa-kalinga-binomba-ng-afp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.