March 07, 2023
Kambal na operasyong harasment ang inilunsd ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-West Camarines Sur noong Pebrero 28. Pinatamaan nito ang dalawang detatsment ng militar sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.
Unang pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment sa Barangay Baya bandang alas-12:30 ng hapon. Sindunang ito ng pag-atake sa detatsment sa Barangay Patalunan bandang ala-1:10 ng hapon.
Ang Barangay Patalunan at Baya ay magkatabing barangay lamang kung saan parehong may presensya ng mga pasista at berdugong sundalo ng 81st IB.
Ayon sa BHB-West Camarines Sru, ang detatsment ng militar sa Barangay Baya ay dating nakapwesto sa sentro ng barangay katabi ng paaralang elementarya, ngunit taong 2021 ay inilipat ito sa Sitio Okwaw ng parehong barangay na kasalukuyang nasa gitna rin ng kabahayan. Katulad rin nito ang kampo sa Baranggay Patalunan na ipinwesto malapit sa sentro para gawin na “human shield” ang mga sibilyan.
Paliwanag ng yunit ng BHB, ang armadong aksyon ay tugon sa kahilingan ng mga residente sa lugar bunsod ng mga dumadaming kaso ng paglabag sa karapatang-tao at karahasan na nagbubunga ng matinding takot at ligalig sa mga taumbaryo.
Sa nagdaang mga buwan, kumaharap ang mga sibilyan sa pauli-ulit na interogasyon, pananakot at saywar. Tinatarget ng miliar mga pinaghihinalaang kasapi at tumutulong sa BHB. Hindi iilang kaso ang naitala kung saan sapilitang pinatatawag ang mga reidente sa loob ng kampo militar.
Nangunguna rin sa mga anti-sosyal na gawain tulad ng pag-iinom, pagsusugal at iba pa ang mga sundalo. May mga kaso na rin ito ng pang-aagaw ng asawa at mga kabataang nabuntisan sa lugar.
Ang ginagawang okupasyon ng mga militar sa sentro ng mga komunidad ay labag sa internasyunal na makataong batas at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/magkasunod-na-operasyong-harasmment-inilunasd-ng-bhb-west-camarines-sur/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.