Wednesday, March 8, 2023

CPP/ Ang Bayan Daily News & Analysis: Organisador ng maralita sa Rizal, inaresto; isa pa, ginigipit

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 7, 2023): Organisador ng maralita sa Rizal, inaresto; isa pa, ginigipit (Organizer of the poor in Rizal, arrested; another, pressured)
 





March 07, 2023

Inaresto ng mga pulis at armadong pwersa ng estado ang organisador ng Anakpawis-Rizal na si Arnel Bueza kaninang alas-12:30 ng madaling araw sa kanyang bahay sa Sityo Tibagan, Barangay Dolores, Taytay, Rizal. Walang ipinakitang mandamyento de aresto ang mga dumakip. Dinala siya sa CIDG Padilla, Antipolo.

Sa bidyong inilabas ng kanyang mga kapitbahay, makikitang kinaladkad ng mga pulis palabas ng bahay si Bueza. Nagmamakaawa pa ang kanyang mga kaanak na huwag siyang arestuhin dahil walang kahit anong kasalanan sa batas.

Taktika na ng mga pwersa ng estado ang pag-aresto sa mga aktibista at sibilyan ng alanganing oras para ikubli ang kanilang mga paglabag sa karapatang-tao.

Samantala, iniulat ng grupong Karapatan-Rizal na patuloy ang presensya ng militar sa loob ng Sityo Tibagan kung saan dinadahas, pinagbabantaan at tinatakot ang mga residente.

Liban dito, mayroong naitalang kaso ng panggigipit ang Karapatan-Rizal laban sa organisador ng maralita na si Roberto Marquez. Pinasok ng mga pulis ang bahay at pinagbantaan si Marquez at kanyang pamilya sa Sityo Sumilang, Barangay San Jose, Antipolo noong Marso 6.

Ayon sa ulat, simula pa Marso 2 ay paulit-ulit nang tinitiktikan at pinupuntahan ng mga pulis si Marquez sa bahay at kanyang trabaho. Kinilala bilang isang Capt. Abcede ang isa sa mga sangkot sa krimeng ito. Pinilit si Marquez na sumama sa kanila kahit na walang kahit anong mandamyento o dokumento.

Dagdag ng Karapatan-Rizal, nagpapatuloy ang presensya ng mga unipormado at hindi unipormadong pulis sa naturang komundiad.

Si Marquez ay ginigipit ng mga pulis dahil sa kanyang pakikisangkot sa paglaban sa isang panginoong maylupa na nangangamkam ng kanilang lupa sa Sityo Sumilang.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/organisador-ng-maralita-sa-rizal-inaresto-isa-pa-ginigipit/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.