Wednesday, March 8, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Supermayorya ng pangkating Marcos sa Kongreso, iniratsada ang charter change

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 6, 2023): Supermayorya ng pangkating Marcos sa Kongreso, iniratsada ang charter change (Supermajority of the Marcos faction in Congress, the charter change was scuttled)
 





March 06, 2023

Iniratsada ng rehimeng Marcos ang pag-apruba ng House of Represenatives sa Resolution of Both Houses No. 6 na nagtutulak ng isang constitutional convention para sa chacha (charter change) o pag-amyenda sa konstitusyong 1987. Naitala ang 301 na botong “Yes”, habang 6 ang “No” at isa ang abstain sa naturang resolusyon kanina.

Ang resolusyon ay kapapasa lamang sa ikalawang pagdinig noong Pebrero 28. Tatlong araw lamang ang iginugol ng mga kinatawan sa deliberasyon.

Ang tanging bumoto sa Kongreso laban dito ay ang mga kinatawan ng blokeng Makabayan na sina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Raoul Manuel, at tatlong iba pa na sina Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado, Albay Rep. Edcel Lagman, at Basilan Rep. Mujiv Hataman.

Kasabay ng pagdinig kanina, nagprotesta ang mga grupo sa House of Representatives sa Quezon City para kundenahin ang “Marcos cha-cha.”

Itinutulak ng charter change na ito ang pagbabago sa mga probisyon sa ekonomya na lalong magbibigay pabor sa naghaharing uri at magbibigay ng dagdag na mga bentahe sa mga dayuhang monopolyo kapitalista na naglalayong dambungin at samantalahin ang ekonomya ng bansa, ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

“Habang nagaganap ang transport strike at krisis sa ekonomya, narito ang mga kongresista, inuuna ang cha-cha para sa dayuhan at iilan. Walang pakundangan at malasakit sa mamamayan. Grabe kayo!” pahayag ni Renato Reyes Jr, pangkalahatang kalihim ng grupong Bayan.

Ayon naman kay Atty. Neri Colmenares, chairperson ng Koalisyong Makabayan, “Kapag polisiyang nagbebenta ng pagmamay-ari sa dayuhan, napakabilis kumilos ng Kongreso. Pero kapag mga batas para sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan tulad ng pagtaas ng pensyon, napakabagal kumilos.”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/supermayorya-ng-pangkating-marcos-sa-kongreso-iniratsada-ang-charter-change/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.