Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central Website (Mar 7, 2023): Mga magsasaka, komunidad, tinarget ng karahasang militar (Farmers, communities, targeted by military violence)
March 07, 2023
Magkakasunod na kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mga magsasaka ang iniulat sa nagdaang mga linggo. Pangunahing sangkot sa mga krimeng ito ang mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umaatake sa mga sibilyang komunidad na labag sa internasyunal na makataong batas.
Sa Albay, pinatay ng mga pwersa ng estado ang magsasakang si Vernon Bonggat noong Pebrero 20, sa kanyang bahay sa Barangay Tablon, Oas. Ang pagpatay sa kanya ay pinaniniwalaang ganting-salakay ng pwersa ng estado matapos ang kabiguan ng 49th IB laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Pebrero 15 sa Barangay Ramay.
Sapilitang pinasok ng dalawang ahente ng militar ang kanyang bahay bandang alas-8:30 ng gabi bago siya tuluyang pinatay. Ang bahay ni Bonggat ay isang kilometro lamang ang layo mula sa isang seksyon ng 49th IB na nag-ooperasyon sa lugar.
Sa Negros Occidental, nasira ang bahay ng mga magsasakang sina Albascion Onopre at Rhoda Garnica sa Sityo Cabagnaan, Barangay Carabalan, Himamaylan City matapos paulanan ng bala ng mga sundalo ng 94th IB noong Marso 1. Ayon sa ulat, nagpaputok ang mga sundalo matapos ang napaulat na engkwentro sa pagitan ng 94th IB at yunit ng BHB sa isang lugar na saklaw ng sityo.
Nagtakbuhan ang mga residente sa labis na takot. Dulot ng karahasan, nasa 100 pamilya ang lumikas tungo sa sentro ng barangay mula sa mga sityo ng Panagbaan, Florete, Cabalungan, at Daat. Kinokontrol at binabantayan din ng militar ang kilos ng mga nasa sentro ng ebakwasyon. Unti-unti na silang nakababalik sa ngayon.
Samantala, binugbog ng tropa ng 62nd IB ang magsasakang si Lindon Mata sa Sityo Bantolinao, Barangay Santol, Binalbagan noong Pebrero 23. Sa Barangay Amuntay naman noong Pebrero 14, pinasok ng 62nd IB ang bahay ni Jelman Lindayao kung saan kasama niya ang kanyang asawa at mga anak. Habang kausap ng mga sundalo at kaharap ang mga anak, tinapatan ng itak ang leeg ni Jelman.
Sa Bukidnon, niransak ng mga sundalo ang bahay ni Nerisa Lumayag sa Sityo Gabonan, Barangay Dumalaguing, Impasug-ong, Bukidnon noong Enero 29. Kasa-kasama niya noon ang kanyang asawa at mga anak nang pasukin ng mga sundalo ang bahay. Nagdulot ng labis na takot ang teroristang panggigipit na ito ng mga sundalo sa pamilya laluna sa mga bata. Pinararatangan ang pamilya na tumulong at naghatid ng suplay sa BHB.
Sa Abra, iniulat ang panggigipit at pag-iinterogeyt ng mga ahente ng militar kay Jerome Agaid, isang magsasaka na kabilang sa Lupong Tagapamayapa ng tribung Mabaca na naninirahan sa Mataragan, Malibcong. Kasama ni Agaid noong Pebrero 16 ang kanyang 5-taong gulang na anak na nangingisda sa Barangay Gadani, Tayum nang sindakin at hawakan ng mga sundalo.
Pilit na “pinasusuko” ng 24th IB si Agaid at pinagtatraydor sa kanyang sariling tribu. Ayon sa ulat, sinamantala ng militar ang kamakailang pagkakaospital ng kanyang asawa para “kumbinsihin” si Agaid na makipagtulungan sa kanila. Anang mga sundalo, babayaran ng mga ito ang pagpapagamot sa asawa kung susunod sa atas ng militar.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/03/07/mga-magsasaka-komunidad-tinarget-ng-karahasang-militar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.