Sunday, February 21, 2021

CPP/Ang Bayan: 4 na opensiba sa 4 na araw, inilunsad ng BHB-Bukidnon

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 21, 2021): 4 na opensiba sa 4 na araw, inilunsad ng BHB-Bukidnon



Apat na magkakasunod na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon noong Pebrero 10-13 laban sa berdugong 8th IB at 3rd Special Forces Battalion (SFB). Limang sundalo ang napatay habang 10 ang nasugatan.

Apat na sundalo ang agad na nasawi nang pasabugan sila ng BHB sa Barangay Kibalabag, Malaybalay City noong Pebrero 10. Dalawang operasyong haras pa ang inilunsad sa parehong barangay noong Pebrero 11 at 12.

Isa naman ang nasawi sa pwersa ng 3rd SFB na nakahimpil sa Sityo Elyan, Sta. Filomena, Quezon. Notoryus ang 8th IB sa pananakot sa mga komunidad at iligal na pag-aresto sa mga Lumad sa Bukidnon.

Quezon. Isang sundalo ng 85th IB ang napatay nang ambusin ng BHB-Quezon ang kanilang sasakyan sa Barangay dela Paz, Buenavista noong Enero 23.

Oriental Mindoro. Pinaputukan ng BHB-Mindoro ang nag-ooperasyong mga elemento ng 4th IB sa Sityo Paraiso, Happy Valley, Roxas noong Enero 26. Dalawa ang naiulat na nasugatang sundalo.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/02/21/4-na-opensiba-sa-4-na-araw-inilunsad-ng-bhb-bukidnon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.