Sunday, February 21, 2021

Mapagsamantala ang mga CPP-NPA, sigaw ng 150 dating taga-suporta ng rebeldeng grupo

 From the Philippine Information Agency (Feb 21, 2020): Mapagsamantala ang mga CPP-NPA, sigaw ng 150 dating taga-suporta ng rebeldeng grupo (By Mark Djeron C. Tumabao)

Featured Image

LAL-LO,Cagayan, Pebrero 21 (PIA) - - - Walang naitulong sa kanilang pamumuhay at pawang pagsasamantala at pabigat lamang ang mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanila.

Ito ang sigaw ng mga ng nasa 150 na mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Cagayan na sabay sabay na nagbalik-loob sa pamahalaan noong ika-19 ng Perrero taong kasalukuyan.

Sa buong bilang, 52 rito ay mga miyembro ng Militia ng Bayan (MB) mula sa Barangay Masi, dalawa sa Barangay Bural, habang 18 naman ang mula sa Barangay San Juan, Rizal, Cagayan; 16 ang nanggaling sa Barangay Balagan, at 21 sa Barangay Calassitan, Sto. Niño.

Kabilang din sa mga tumalikod sa teroristang CPP-NPA ay mula sa grupong Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) na mayroong 19 na kasapi, siyam mula sa grupong MAKIBAKA, at 13 mula sa KABATAANG MAKABAYAN.

Bilang patunay ng kanilang pagbalik loob sa pamahalaan ay kanilang sinunog ang bandila ng teroristang CPP-NPA, pisang simbolismo sa pagtatapos ng paghihirap na kanilang naranasan mula sa kamay ng mga rebeldeng CPP-NPA.

Nagkaisang nagbalik-loob sa pamahalaan ang mga dating miyembro ng CTG bunsod na rin ng pagsusumikap ng 17th Infantry Battalion, 501st Infantry Brigade sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at ng Kapulisan na mapaliwanagan ang mga mamamayan sa panlilinlang ng teroristang grupo.

Sa mensahe ni Ka Fred, isang katutubong Agta na kasama sa mga nagbalik-loob mula sa Barangay San Juan, Rizal, nanawagan ito sa mga miyembro ng teroristang CPP-NPA na itigil na ang pananakot at paggamit sa kanila dahil nais na rin nilang makapamuhay ng maayos at malayo sa banta ng rebeldeng CPP-NPA.

“Isardeng yo ti panabbubuteng yo kinyami ta awan mapasamak kadakami nga sibilyan. Agbalbaliw kayun ta kayat mi ti narang-as nga biag. Arakupin tayon ti gobyerno para iti pamilya tayo,”aniya.

(Itigil niyo na ang pananakot sa amin dahil walang masamang mangyayari sa aming mga sibilyan. Magbagong-buhay na kayo dahil gusto na namin ng normal na pamumuhay. Yakapin natin ang totoni gobyerno para sa kapakanan ng ating mga pamilya.)

Inihayag naman ni Col Steve E Crespillo Inf (GSC) PA, commander ng 501st Infantry Brigade, na ang kanilang ginawang pagkalas sa teroristang CPP-NPA ay napakalaking tulong upang matugunan ang problema sa insurhensiya sa kanilang mga lugar.

Aniya, tama ang naging desisyon ng mga residente dahil dito magsisimula ang pagbabago at pag-unlad ng kanilang komunidad.

“Sa tulong ng mga programa ng pamahalaan, sama-sama nating isulong ang pag-unlad sa inyong mga lugar. Tulong-tulong tayo sa pagkamit ng ating pangarap na maayos na pamumuhay at itaboy ang teroristang CPP-NPA papalayo mula sa ang inyong lugar,” dagdag ni Crespillo.

Siniguro naman ni PBGen Crizaldo Nieves, regional director ng Police Regional Office 02 ang seguridad ng mga kumalas at kakalas pa sa teroristang CPP-NPA.

“Ang pagbibigay ninyo ng tiwala sa pamahalaan ay tutumbasan namin ng nararapat na seguridad. Wala kayong dapat alalahanin dahil nakahanda ang kapulisan at kasundaluhan upang tiyakin ang inyong seguridad,” sinabi ni Nieves.

Nagpakita naman ng suporta si Cagayan Governor Manuel N. Mamba sa hakbang ng mga residente upang mapalayas ang mga teroristang CPP-NPA sa kanilang barangay at sa buong probinsya ng Cagayan.

Samantala, sa ipinaabot naman na mensahe ni MGen Laurence E Mina PA, commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, kanyang kinilala ang mga nagawa at patuloy na ginagawang mga programa ng 501st Infantry Brigade upang mapaliwanagan ang mga mamayan sa panlilinlang at pagsasamantalang ginagawa ng CPP-NPA sa mga mamamayan.

Kinilala din ng heneral ang ginagawang pagpapaabot ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Cagayan. Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng CTG na kumalas ng suporta sa teroristang CPP-NPA at nagbalik loob sa pamahalaan.

“Ang pagbabalik loob ng mga dating taga suporta at miyembro ng teroristang grupo ay bunga sa masigasig na pagganap ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang lokal at panlalawigang pamahalaan at ng kasundaluhan at kapulisan upang tuluyang wakasan ang insurhensiya sa bansa. Hindi magsasawang magpapaliwanag sa mamamayan ang mga alagad ng pamahalaan upang maprotektahan ang taumbayan mula sa panlilinlang ng teroristang CPP-NPA,”aniya.

Dumalo rin sa pulong balitaan sina LtCol Angelo Saguiguit, Commanding Officer ng 17IB, LtCol Rowan Rimas, Commading Officer ng Marine Battalion Landing Team-10, PCol Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office at Darwin Sacramed, Provincial Administrator ng Cagayan. (MDCT with reports from 5ID/PIA-2)

https://pia.gov.ph/news/articles/1067497

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.