From the Philippine Information Agency (Feb 21, 2020): Dating rebelde, hinikayat ang mga kasamahan na sumuko na sa pamahalaan (By Merlito G. Edale Jr.)
LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Pebrero 17 (PIA) – Hinikayat ng dating rebelde ang mga kasamahan nito na sumuko na sa pamahalaan upang makapamuhay ng normal sa piling ng mga mahal sa buhay.
Ang paghikayat ni Ivy Lyn Corpin o Ka Red ay isinagawa nitong Pebrero 16, 2021 sa bayan ng San Mariano sa isinagawang Peace and Security Awareness forum.
Aniya korapsyon sa loob ng aramadong grupo ang naging dahilan kung bakit siya tumiwalag at talikuran ang teroristang Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA).
“Wala kaming kamalay-malay na ang simpleng mandirigma ng CPP-NPA na gaya ko ay nagagamit lamang sa mga pansariling interes ng mapanlinlang na kadre,” ani Ka Red.
Naniniwala siya na kapag maraming mahihikayat na sumuko o bumaba sa kilusan ay mapababa ang banta ng kanyang seguridad at ang mga kasamahang sumuko na sa pamahalaan.
“Ang takot kasi 52 years na tayong nilamon ng takot at kung patuloy tayong matatakot aabot pa ito ng 53 years at aabot pa ng 100 kung patuloy ang takot sa ating sarili na sumuko,” ani Ka Red.
Ang Peace and Security Awarness forum na isinagawa ay dinaluhan ng iba't ibang mga ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), SK Federation officials, at Isabela Police Provincial Office (IPPO). (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)
https://pia.gov.ph/news/articles/1067500
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.