Sunday, February 21, 2021

CPP/Ang Bayan: 5 gawa-gawang kaso, ibinasura

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 21, 2021): 5 gawa-gawang kaso, ibinasura



Limang kasong isinampa laban sa mga aktibista at konsultant ang sunud-sunod na ibinasura ng mga korte sa nakaraang 10 araw. Ang mga ito ay ang mga gawa-gawang kaso ng illegal possession of explosives laban sa lider ng Gabriela na si Beatrice Belen; illegal possession of firearms and explosives laban sa tagapagsalita ng National Democratic Front-Panay na si Concha Araneta; “pagpapalaganap ng pekeng balita” laban sa mga brodkaster ng Radyo Natin Guimba; inciting to sedition laban sa gurong si Ronnel Mas; at illegal assembly laban sa mga aktibistang tinaguriang Marikina 10. Ang desisyon sa kaso laban kay Araneta ay noon pang Enero 6 inilabas pero nitong Pebrero 18 lamang naisapubliko.

Una nang ipinawalambisa ng korte noong Pebrero 5 ang search warrant na ginamit para arestuhin at kasuhan sina Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago. Gayunpaman, hanggang ngayon ay nananatili silang nakakulong.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/02/21/5-gawa-gawang-kaso-ibinasura/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.