Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 21, 2021): Paaralang Bakwit sa Cebu, sinalakay ng mga pulis
Sinalakay ng pulis ang Paaralang Bakwit, ang pansamantalang eskwelahan ng mga Lumad sa loob ng kampus ng University of San Carlos sa Talamban, Cebu City noong Pebrero 15. Nagpakanlong dito ang mga Lumad at kanilang mga guro nang hindi sila makabalik sa Mindanao matapos ipataw ang lockdown noong Marso 2020. Itinuturing silang mga panauhin ng unibersidad.
Sa nakuhang bidyo ng reyd, makikita na nagsisisigaw at nag-iiyakan ang mga batang Lumad habang pwersahan silang isinasama ng mga pulis. Dalawampu’t anim sa kanila ang inaresto at ikinulong, kasama ang 19 na menor de edad. Isa sa mga dinakip si Chad Booc, gurong boluntir na isa sa mga nagpetisyon sa Korte Suprema para ipawalambisa ang Anti-Terror Law.
Kakutsaba ang militar, grupong paramilitar na Alamara at mga lokal na upisyal ng Talaingod, pinalabas ng pulis na “operasyong pagsagip” ang reyd. Kinasuhan nila ng kidnapping at iligal na detensyon si Booc at anim pang nakatatandang nagsisilbing guro ng paaralan.
Sinalubong ng kabi-kabilang batikos ang iligal na reyd at pag-aresto. Agad na nagtungo sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga estudyante ng Paaralang Bakwit na nasa loob ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City at kanilang mga tagasuporta para magprotesta. Pinabulaanan mismo ng CHR ang paratang ng pulis na “pinilit” ang mga batang Lumad na manatili sa eskwelahan.
Naghapag ang blokeng Makabayan ng resolusyon para imbestigahan ang insidente sa Kongreso. Sa Korte Suprema, iniutos ng mga mahistrado na isama ang kaso ni Booc sa ihahapag na petisyon para pansamantalang ipatigil ang Anti-Terror Law.
Nangako naman ang Partido Komunista ng Pilipinas na pananagutin ang mga nang-aapi sa mga Lumad. Kinundena nito ang NTF-ELCAC na walang dudang may pakana sa insidente.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2021/02/21/paaralang-bakwit-sa-cebu-sinalakay-ng-mga-pulis/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.