Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 29, 2022): Magpunyagi sa armadong pakikibaka at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte! Ipagdiwang ang ika-53 Anibersaryo ng NPA! (Strive in armed struggle and overthrow the US-Duterte fascist regime! Celebrate the 53rd Anniversary of the NPA!)
Macario 'Ka Karyo' Liwanag
Spokesperson
NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
March 29, 2022
Taas-kamaong nagpupugay ang Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal sa ika-53 taong anibersaryo ng New People’s Army. Binabati nito ang lahat ng Pulang kumander at mandirigma ng NPA at ang buong rebolusyonaryong kilusan para sa buhay-at-kamatayang pakikibaka ng mga ito para isulong ang demokratikong rebolusyong bayan. Mula sa pagkakatatag nito noong Marso 29, 1969, sa panahon ng diktadurang US-Marcos, hanggang sa kasalukuyang pasistang rehimeng US-Duterte, mahigpit na tinanganan ng NPA ang mandato nito bilang tunay na hukbo ng masang anakpawis. Patuloy itong nagkakamit ng mga tagumpay kasama ang mamamayang Pilipino.
Pinagpupugayan din ng NAAC-NPA-Rizal ang mga martir na nag-alay ng kanilang panahon at buhay at namatay sa ilalim ng rehimeng US-Duterte: sina Ermin “Ka Romano” Bellen, Lucio “Ka Bisaya” Simporoso, Jose “Ka Pancho” Villahermosa, Vilma “Ka Sandra” Salabao, Wesley “Ka Onli” Obmerga at Rodel “Ka Mighty” Cruz. Kinitil ng pasistang estado ang kanilang buhay ngunit hindi nito makikitil ang kanilang rebolusyonaryong diwa. Sa kanilang inspirasyon, patuloy na nag-aalab ang damdamin ng mamamayan upang pag-ibayuhin ang pakikibaka.
Sa nagdaang mga taon, isinailalim ng rehimeng US-Duterte ang Rizal sa walang habas na teror at brutalidad. Pinatindi ang militarisasyon sa mga baryo sa Rizal at binabaran ng presensya ng AFP ang mga bahayan. Nagkakampo ang mga ito sa mga komunidad ng mga katutubo’t magsasaka, habang kinokontrol ang mga aktibidad ng mamamayan. Naglunsad ang AFP-PNP ng mga madugong operasyong katulad ng COPLAN ASVAL o “Bloody Sunday” na pumaslang sa mga sibilyang lumalaban para sa kanilang interes. Gamit ang mga gawa-gawang warrant of arrest at search warrant, tinutugis nila ang mga katutubong Dumagat at Remontadong pinararatangan na may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan, na nagtulak sa mga ito na magtago at lumikas. Kahit ang mga hors de combat o mga rebolusyonaryong wala nang kapasidad na lumaban na nakatigil sa mga kabayanan ay kanilang pinaslang.
Sa Rizal, nilunsaran ng walang patlang na Retooled Community Support Program Operations (RCSPO) ang mga baryo upang lunurin sa kasinungalinga’t panlilinlang ang mamamayan. Batbat ng korapsyon at hungkag ang ipinagyayabang na Barangay Development Plan (BDP) na magbibigay umano sa bawat cleared barangay ng P20 milyon.Sa tabing ng pamamahagi ng ayuda sa mamamayan, ipinatatawag at iniinteroga ang masa hanggang sapilitang pasukuin ang mga ito. Kahit ang mismong mga pagpapasuko ay hungkag, dahil pawang mga sibilyang binayaran ng tig-iilang libo ang mga pinresentang surrenderees para maabot ang target na puu-puong bilang ng mga “sumukong NPA”.
Sa pamamagitan ng sustenidong Focused Military Operations, pilit nitong itinataboy ang hukbo sa mga baryo palayo sa masa at nagkakasa ng mga pain upang mahulog ang NPA sa mga bitag nito at mapasubo ang Pulang hukbo sa mga gasgasang labanan.
Sa kabila ng mga atake ng rehimen, sa halip na humina ay lalong nagpunyagi at nag-ipon ng lakas ang NPA. Nag-aaral at nagpapakahusay ito sa teorya at praktika ng matagalang digmang bayan upang paghusayin ang pakikidigmang gerilya at tuloy-tuloy na pahigpitin ang ugnayan nito sa masa. Dahil dito, nakapagpatuloy ang NPA sa paglilingkod sa mamamayan sa anyo ng iba’t ibang serbisyo sa panahon ng pandemya at lumalalang krisis sa ekonomya.
Pinawalambisa nito ang mga makabagong kagamitan ng AFP katulad ng drone dahil sumasalig ang NPA sa mga batayang taktikang gerilya at sa malawak na suportang masa. Nagsilbi itong susi sa pananatili ng inisyatibang militar ng NPA, sa pagpreserba nito sa pwersa, lakas at rekurso, at sa pagbigo sa mga operasyon ng AFP. Ito rin ang susi sa matatagumpay na mga taktikal na opensiba at aksyong militar sa nagdaang mga taon.
Nitong nakaraang taon lamang, matagumpay na inilunsad ng NAAC ang apat (4) na aksyong militar kung saan tatlo ay laban sa pasistang 80th IBPA. Binasag nito ang kasinungalingan “aapat na lamang ang NPA sa Rizal”. Ipinakita sa nakaraang taon na kahit na binabaran ng AFP ang mga baryo sa mahabang panahon, pinatunayan ng masa at hukbo na hindi kailanman masisira ang kanilang pagkakaisa. Patuloy na nakasalig ang hukbo sa masa, at ganundin ang masa sa hukbo.
Umani ang NPA ng sunod-sunod na tagumpay sa nakaraang taon.Patunay lamang ito na walang bisa at mabibigo ang pangarap ni Duterte na durugin ang CPP-NPA sa pagtatapos ng kanyang termino. Magpupunyagi ang NAAC sa armadong rebolusyon at mag-aambag ng ganang kakayanin para sa pagtataas ng antas ng digmang bayan!
Ipagdiwang ang ika-53 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!
https://cpp.ph/statements/magpunyagi-sa-armadong-pakikibaka-at-ibagsak-ang-pasistang-rehimeng-us-duterte-ipagdiwang-ang-ika-53-anibersaryo-ng-npa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.