Thursday, March 31, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: BHB sa Central Negros, nag-ulat ng mga tagumpay

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 30, 2022): BHB sa Central Negros, nag-ulat ng mga tagumpay (NPA in Central Negros, reported victories)






March 30, 2022

Laking seksyon ang kayang armasan ng mga nakumpiskang armas ng BHB-Central Negros, ito ang inihayag ni JB Regalado, tagapagsalita ng Leonardo Panaligan Command (BHB-LPC) noong Marso 29 kasabay ng paggunita sa ika-53 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan.

Mula Marso 2021 hanggang Marso 2022, nakapaglunsad nang hindi bababa sa 35 aksyong militar o tatlo kada buwan ang mga Pulang mandirigma sa larangan. Hindi bababa sa 60 ang kaswalti ng mga pasistang tropa.

Patuloy din ang paglaki ng kasapian ng hukbong bayan, at karamihan ng mga bagong Pulang mandirigma ay mga kabataan na determinadong maglunsad ng armadong pakikibaka para sa paglaya ng sambayanan. Napanatili rin ang laking batalyong milisyang bayan at yunit pandepensa sa mga komunidad na kaagapay ng BHB sa pagpapatupad ng mga batas demokratikong gubyernong bayan sa kanayunan at gumagampan ng iba pang mga tungkulin sa loob ng larangang gerilya.

Sa kabila ng nakapokus na operasyon ng kaaway, naisulong ng BHB-LPC ang malawak at masinsing pakikidigmang gerilya sa kanilang erya. Sa tungki mismo ng ilong kaaway, nakapagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika, mga pulong ng iba’t ibang lihim na organisasyon masa, mga talakayan at gawaing propaganda, at umaalalay sa mga mag-aaral sa pagsagot ng kanilang mga modyul sa lihim na kaparaanan.

Patuloy ang gawaing konsolidasyon, rekoberi at pagpapalawak sa Negros Oriental at Occidental, aabot sa mahigit 155,000 ang baseng masa.

Nakapagbigay din ng serbisyong medikal ang BHB sa mamamayan. Sa tulong ng mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng Magsasaka, Kabataang Makabayan at Malayang Kilusang Kababaihan nakapagpatupad ng mga proyektong kabuhayan para makatuwang sa kanilang pangangailangan.

Sa tulong ng kanilang hukbo, nakapaglunsad sila ng mga pakikibakang antipyudal para sa ikabubuti ng kanilang kabuhayan. Nagresulta ito sa kumpiskasyon at pagbubungkal ng aabot sa 70 ektaryang lupa mula sa lokal na panginoong maylupa. Naitaas din ang sahod ng mga manggagawang bukid ng hindi bababa sa ₱50 sa dalawang asyenda.

Tulong-tulong rin ang mga residente at hukbo sa pag-aayos ng kanilang kabahayan at taniman matapos masalanta ng Bagyong Odette. Nagsilbi ding tagapamagitan ang mga kasama sa mga problema at tunggalian ng mga masa.

Sa harap ng mga tagumpay na ito, hamon sa mga Pulang mandirigma ng Central Negros na patuloy na maglunsad ng matatagumpay na taktikal na opensiba laban sa mga pasistang elemento, pwersa ng estado at mga yunit na may utang na dugo at may mga notoryus na krimen laban sa mamamayan. Determinado rin ang BHB-LPC na magmulat, mag-organisa at magpakilos ng masa sa Central Negros upang tugunan ang kanilang panawagan para sa tunay repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon, serbisyong sosyal at pangmatagalang kapayapaan.

Panawagan rin ng BHB sa mamamayan na patuloy na ilantad ang mga krimen ng reaksyunaryong tropa ng estado sa midya, patuloy na magpahayag ng kanilang paggigiit ng kanilang karapatan sa eleksyon laluna sa banta ng pandaraya ng rehimeng Duterte upang mangunyapit sa kapangyarihan.

Pagwawakas ni Regalado, malinaw na hindi nauunawaan ng mamamatay-tao na rehimen na ang tunay na lakas ng hukbong bayan ay ang kanyang masa. Walang anumang halaga ang pagwawaldas ng militar sa modernong kagamitan o pagbaling sa pasismo para gapiin ang BHB dahil nananatiling determinado ang masa na ipagtagumpay ang pambansang demokratikong rebolusyon.

https://cpp.ph/angbayan/bhb-sa-central-negros-nag-ulat-ng-mga-tagumpay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.