Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 29, 2022): Bukas na liham para sa ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan//Mamamayang Mindoreño, pakamahalin ang Bagong Hukbong Bayan! Tumangan ng armas at isulong ang rebolusyon hanggang sa tagumpay! (Open letter for the 53rd anniversary of the New People's Army//Mindoreño people, love the New People's Army! Take up arms and advance the revolution to victory!)
Ma. Patricia Andal
Spokesperson
NDF-Mindoro
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
March 29, 2022
Mga kababayan,
Minamarkahan ng araw na ito ang ika-53 anibersaryo ng tunay na hukbo ng mamamayan, ang Bagong Hukbong Bayan. Bilang pangunahing bisig ng minamahal nating Partido Komunista ng Pilipinas, buong giting na ginampanan ng Pulang hukbo ang tungkulin nitong magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng mamamayan upang suportahan ang armadong rebolusyon.
Sa ating Isla, halos apat na dekada nang nagpupunyagi ang Lucio de Guzman Command – NPA Mindoro sa paglilingkod at pagtaguyod sa karapatan ng masang api. Naging instrumental ang papel ng BHB upang sumikad ang rebolusyonaryong kilusan sa isla. Mula pa noong lumapag ang mga unang yunit sa isla noong huling bahagi ng dekada 1970, hanggang sa makapagpatatag na ang hukbo sa dekada 1980, malaki ang papel ng Pulang hukbo sa pagdaluyong ng rebolusyonaryong adhikain sa isla ng Mindoro.
Naaalala niyo pa ba nang mapagtagumpayan ng rebolusyonaryong mamamayan sa isla at ng BHB ang paglalansag ng mga pastuhan at pagbawi sa mga lupaing ninuno? Ang noo’y tinawag na Wild, Wild, West ay naging lugar kung saan kinilala at tinanghal ang karapatan ng mga katutubong Mangyan sa lupaing ninuno at karapatan ng mga magsasaka at mga setler sa pagbubungkal ng lupa! Kasama rin natin ang ating hukbo sa kampanya sa rebolusyong agraryo na sumaklaw ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapababa sa upa sa lupa, pagpapataas ng sahod ng manggagawang bukid at presyo ng mga produktong bukid at ang pagpapaunlad ng mga kooperatiba ng mga magsasaka. Binigwasan nito ang lahat ng kasapakat ng mga reaksyunaryong rehimen na balak agawin ang lupa at kabundukan para ikumbert sa naglalakihang minahan at plantasyon. Mula noon hanggang ngayon, sa gabay ng rebolusyonaryong teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, mahigpit na tinanganan ng hukbo ang tungkulin nito sa mga Mindoreño, kung kaya’t hindi mapapasubalian ang lawak at lalim ng baseng masa ng rebolusyon mula kabundukan hanggang kapatagan at tabing-dagat.
Makailang ulit nang napangibabawan ng ating hukbo sa isla ang walang puknat na mga operasyon ng kaaway sa layuning lipulin ang ating hanay. Ngunit kahit ang Oplan Habol Tamaraw ni Arroyo noon at ang JCP Kapanatagan ni Duterte ngayon ay bigo sa hangarin nilang wakasan ang umaalimpuyong rebolusyon sa isla. Batid ng mamamayan ng isla ang makasaysayang adhikain ng Bagong Hukbong Bayan, kung kaya’t tinatamasa pa rin nito ang malawak at malalim na suporta na nakatulong upang makapagpalakas pa ang Hukbo at Partido sa isla. Hindi malalagot ng paninindak, itim na propaganda, at mga kasinungalingan ang mahigpit na ugnayan ng Pulang hukbo sa masang pinagsasamantalahan.
Kung kaya’t sa kabila ng masugid na pagtutulak ng pasistang rehimeng US-Duterte na maisakatuparan ang final push nito, sama-sama nating biguin muli ang reaksyunaryong rehimen sa pamamagitan ng sama-samang paglaban! Ang walang katapusang krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan ay matatapos lamang kung tatahakin natin ang landas ng pagrerebolusyon.
Higit na napapanahon ang pagtugon ng mamamayang Mindoreño sa tawag ng armadong paglaban. Upang makamit natin ang makatarungang lipunan, ibayo pang palakasin ang ating hanay at ialay ang ating mga pinakamabubuting anak ng bayan sa Bagong Hukbong Bayan! Sa kabila ng mas matinding kahirapan, lalo pa nating pakamahalin at patatagin ang BHB upang magampanan nito ang makasaysayang tungkulin nito—ang paggapi sa buong pwersa ng pasistang estado ng mga mapagsamantala at mapang-aping naghaharing-uri na kinabibilangan ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesya-komprador at mga burukrata-kapitalista, buong lakas na aagawin ang pampulitikang kapangyarihan mula sa kanila at itatayo ang Demokratikong Gobyernong Bayan sa buong bansa.
Isulong natin ang Demokratikong Rebolusyong Bayan hanggang sa tagumpay!
Mabuhay ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!
Mamamayang Mindoreño, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!
https://cpp.ph/statements/mamamayang-mindoreno-pakamahalin-ang-bagong-hukbong-bayan-tumangan-ng-armas-at-isulong-ang-rebolusyon-hanggang-sa-tagumpay/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.