Thursday, March 31, 2022

CPP/NDF-CPDF-KM-DATAKO: Pahayag ng KM-DATAKO — Balangay ng Elvira para sa Ika-53 na Anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan

Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 29, 2022): Pahayag ng KM-DATAKO — Balangay ng Elvira para sa Ika-53 na Anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (Statement by KM-DATAKO-Elvira Branch for the 53rd Anniversary of the New People's Army)



Balangay Ka Elvira
Kabataang Makabayan – Demokratiko a Tignayan kadagiti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO)
Cordillera People's Democratic Front
National Democratic Front of the Philippines

March 29, 2022

Mula sa Kabataang Makabayan — Demokratiko a Tignayan Dagiti Agtutubo ti Kordilyera (KM-DATAKO) — Balangay ng Elvira, pulang pagbati at pagpupugay sa ika-53 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtangka ng estado na biguin ang armadong pakikibaka, pinatunayan ng hukbo sa kanilang limang dekadang paglaban na hindi basta-bastang madudurog at magagapi ang kanilang tunguhin na isulong ang proletaryadong rebolusyon at pagsilbihan ang sambayanan. Sa bawat kalabit ng gatilyo at paghagis ng bomba ng berdugong remiheng US-Duterte sa kanayunan, mas lalong umaalab ang determinasyon ng mga Pulang mandirigma na ipagpatuloy at mas palakasin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka.

Sinadlak ng naghaharing sistema ang mga mamamayan sa patuloy nitong pagpapakainutil at pagpapakatuta sa mga neoliberal na polisiya ng imperyalistang Tsina at US. Milyon-milyong Pilipino ang bumabalikat sa palpak at bulok na pamamahala ng reaksyunaryong estado at patuloy nitong pagyurak sa mga batayang karapatan ng sambayanang Pilipino. Sa walang saysay at hindi makataong tugon nito sa kasalukuyang batbat ng krisis na lipunan, hindi na nakagugulat na maraming maralita’t kabataan ang pinipiling tumungo sa kanayunan at tumangan ng armas.

Nagngingitngit ang sambayanang Pilipino, mula kalunsuran hanggang kanayunan, dahil sa patuloy na paghahasik ng terorismo ng rehimeng US-Duterte at mga pasistang galamay nito na NTF-ELCAC at AFP-PNP. Sa pagsulong ng makasariling hangarin na puksain ang rebolusyon upang panatilihin ang kasalukuyang mapang-api at mapagsamantalang kalagayan ng lipunan, patuloy ang mga reaksyunaryo’t naghaharing uri na lustayin ang rekurso ng bayan at kitilin ang buhay hindi lamang ng mga rebolusyonaryo kundi ng mga sibilyan. Kaya naman, batid ng mga mamamayan, lalo na ang pinakaaping saray ng lipunan na bulok hanggang sa kaibuturan ang kasalukuyang sistemang panlipunan. Nananatiling malinaw na ang pagsusulong ng matagalang digmang bayan ang magpapabagsak sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo na ugat ng paghihirap ng sambayanan.

Ang kawalan ng kinabukasan sa mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan ang nagtutulak sa mga kabataan na talikuran ang buhay na nakasanayan at buong panahong ialay ang sarili sa rebolusyonaryong pakikibaka kasama ang masang api at pinagsasamantalahan. Sa paggunita ng ika-53 na anibersaryo ng hukbo, inaalala rin ng KM-DATAKO ang mga kabataang martir ng sambayanan. Isa na rito si Kevin “Ka Facio” Castro na dating lider-estudyante sa UP Diliman. Sa kabila ng mahusay na academic standing at magandang oportunidadsa empleyo, buong panahon na inalay ni Ka Facio ang kaniyang talino at lakas bilang guro ng bayan sa Timog Katagalugan. Batid niya ang kahirapan at inhustisyang dinaranas ng mga kabataan at estudyante buhat ng bulok na sistema ng edukasyon at lipunan. Malinaw sa kaniya na sa rebolusyon tunay makakamit ang tunay na pagbabago at paglaya ng mga kabataan, estudyante, at malawak na mamamayan mula sa pang-aapi at pagsasamantala. Kaya naman, hindi kalaunan ay sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan. Ngunit walang awa siyang pinaslang ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army noong ika-21 ng Pebrero.

Subalit, ang pagkitil sa buhay ng isang rebolusyonaryo ay hindi kailanman mangangahulugang pagkitil sa rebolusyonaryong kilusan. Sa kabila ng lahat ng ito tiyak ang paghatol ng sambayanan kasama ang mga Pulang mandirigma laban sa mga sagad-saring kaaway ng lipunan.

Nananatiling kasingbigat ng kabundukan ng Kordilyera ang pagkawala ng mga magigiting na rebolusyonaryo na piniling ibuwis ang buhay para sa bayan. Saludo ang KMD balangay Elvira sa walang humpay na katatagan ng hukbo sa pagsusulong ng rebolusyon. Mananatiling hamon sa bawat kabataan ang pagpapalakas at pagpapalawak ng armadong hukbo sa pamamagitan ng pagpapaangat ng pampulitikang kamulatan ng bawat isa.

Ang patuloy na pagsupil ng estado sa armadong pakikibaka at sa kabuuan ng kilusan ang siyang nag-uudyok sa sambayanan upang puspusan pang gapiin ang mga batayang problemang sumasagka sa mamamayang Pilipino. Hamon sa hukbo ang ipagpatuloy at pag-ibayuhin ang mga hakbang-hakbang na tagumpay na nakamtan ng kilusan mula noon hanggang ngayon.

Higit sa lahat, buhat ang tunguhing suportahan ang hukbo at isulong ang demokratikong rebolusyong bayan, nananatiling pinakamataas na layunin ang paghimok sa masang anakpawis na mangahas na makibaka, tumungo sa kanayunan upang tumangan ng armas, at pagtagumpayin ang digmang bayan bilang mga magigiting na Pulang mandirigma.

Mabuhay ang ika-53 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Pambansang Nagkakaisang Prente!

Mabuhay ang matagalang digmang bayan!

https://cpp.ph/statements/pahayag-ng-km-datako-balangay-ng-elvira-para-sa-ika-53-na-anibersaryo-ng-bagong-hukbong-bayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.