Thursday, March 31, 2022

CPP/NDF-RCTU-Southern Tagalog: Ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Manggagawa at maralita, aktibong labanan at biguin ang pasismo ng estado, isulong ang matagalang digmang bayan!

Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 29, 2022): Ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Manggagawa at maralita, aktibong labanan at biguin ang pasismo ng estado, isulong ang matagalang digmang bayan! (Celebrate the 53rd anniversary of the New People's Army! Workers and the poor, actively fight and defeat state fascism, advance the protracted people's war!)



Fortunato Magtanggol
Spokesperson
Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

March 29, 2022

Kasama ng buong hanay ng Rebolusyonaryong kilusang Manggagawa sa pamamatnubay ng pinakamamahal na Partido Komunista ng Pilipinas – MLM, ang Revolutionary Council of Trade Unions – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ay mahigpit at taas kamaong nagpupugay sa maningning na ika-53 anibersaryo ng ating pinakamamahal na Bagong Hukbong Bayan (BHB)— ang tunay na hukbong nakikibaka at nagrerebolusyon para ipagtanggol ang interes at kagalingan ng sambayanang Pilipino!

Pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng mga Pulang mandirigma at kumander ng Bagong Hukbong Bayan, mga kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas, mga nakapaloob sa rebo-lusyonaryong organisasyon ng masa at organo ng pulang kapangyarihang pampulitika ng mamamayan sa mga larangang gerilya at sa lahat ng mga positibong pwersa’t kaalyado ng rebolusyonaryong kilusan sa loob at labas ng bansa! Nakikisa ang RCTU sa pagdiriwang sa buong rehiyon ng Timog Katagalugan na puno ng sigla sa maningning na anibersaryo ng pagkakatatag ng ating hukbo.

Nagpupugay at iginagawad ang pinakamataas na parangal sa mga tunay na bayani ng bayan, mga martir na Pulang mandirigma at kumander na walang pag-iimbot na nag-alay ng kanilang buong buhay, talino at lakas para sa pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon ng bayan na may sosyalistang hinaharap. Hinding-hindi makakalimutan ng buong rebolusyonaryong kilusang manggagawa ang inyong kabayanihan at dakilang ambag sa rebolusyonaryong adhikain na palayain ang buong bayan mula sa kuko ng imperyalismo-pyudalismo-burukrata kapitalismo na pangunahing dahilan sa napakatinding kahirapan, kagutuman at panunupil na nararanasan ng sambayanang Pilipino.

Hindi na makagulapay at makaahon sa kumunoy ng kahirapan ang mamamayan dulot ng kronikong krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan na pinaghahari-an ng pangkating Duterte. Itinutulak pa ito pailalim ng matinding krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalismo, dulot ng hindi maampat-ampat na krisis ng labis na produksyon, papataas na pinansyalisasyon at sobra-sobrang pagkaganid sa tubò ng monopolyong burgesya at mga oligarkiya sa pinansya. Tumindi pa ang kahirapang nararanasan ng sam-bayanang Pilipino dahil sa pananalasa ng pandemyang Covid-19, pagpapatupad ng mili-taristang lockdown at kawalang kabusugang pagnanakaw sa bilyon-bilyong pondo ng bayan na para sana sa pagsugpo ng pananalasa ng pandemya at iba pang pondong pub-liko.

Ngayong taon, dinaranas ng mamamayang Pilipino ang hagupit ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na nagdulot ng mataas na implasyon. Hindi na maabot ng mga manggagawa ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil ka-pos ang sahod na nakukuha nila. Dumaraing din ang mga tsuper sa kakarampot na kita habang gamumo ang subsidyong nakukuha sa administrasyong Duterte. Ang iba pa’y wa-lang natamong tulong o ayuda sa pabayang rehimen.

Sa loob ng halos anim (6) na taong panunungkulan at paghari-harian ng rehimeng US-Duterte, wala itong ginawa kundi mas pasahulin ang kalagayang pang-ekonomiya at pam-pulitika ng sambayanang Pilipino. Walang makabuluhang dagdag sahod na naibigay sa manggagawa sa rehiyong Timog Katagalugan at buong bansa, malawakang tanggalan, tuloy-tuloy at sistematikong pagpapatupad ng anti-manggagawang patakarang kontraktwalisasyon. Habang sa kanayunan naman ang kawalan ng tunay na repormang agraryo, malawakang pagpapalayas sa mga lupang sakahan at ninuno, matinding panunupil at terorismo ng estado sa balangkas ng Oplan Kapanatagan gamit ang uhaw sa dugong NTF-ELCAC ang matinding nagpapahirap sa mga pamilyang magsasaka at katutubo.

Sa Timog Katagalugan, inilunsad ng NTF-ELCAC noong Marso 7, 2021, ang isang karumaldumal na krimen nito sa pamamagitan ng sinkronisadong operasyong SEMPO sa anyo ng “Bloody Sunday” na pumaslang sa siyam (9) na lider-organisador at aktibista at iligal na pag-aresto sa limang (5) iba pa. Hindi pa natutuyo ang dugo ng mga biktima, muling isinagawa ng mga berdugong militar at pulis ang pagpaslang kay Dandy Miguel, ikalawang tagapangulo ng PAMANTIK-KMU at pangulo ng unyon sa Fuji Electric Philippines noong Marso 28, 2021.

Sinusupil ang mga organisadong manggagawa, mga unyon at pederasyong nasa ilalim ng militanteng sentrong unyon dahil sa kanilang pagtatanggol sa tunay na interes at kagalingan ng mga manggagawa. Direktang nakikialam ang mga kapulisan, militar at NTF-ELCAC sa pakikipagsabwatan nila sa mga kapitalista at DOLE para supilin ang karapatan sa pag-uunyon ng mga manggagawa, panggigipit sa mga lokal na lider-unyon para sapilitang tumiwalag sa mga militanteng pederasyon upang maisagawa nila ang kanilang ultimong layunin na baratin ang sahod at benepisyo ng mga manggagawa.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit maraming mga manggagawa at maralitang lung-sod ang patuloy na tumatangkilik at sumasapi sa rebolusyonaryong kilusan at mahigpit na yumayakap sa armadong pakikibaka ng Bagong Hukbong Bayan. Mahal at kinakalinga ng masang anakpawis ang BHB, dahil sa aktibo nitong ipinagtatanggol at mahigpit na katu-wang sa pagsusulong ng mga pakikibaka at kampanya ng mga anakpawis at sambayanang lumalaban. Patunay dito na sa kabila ng pinaiigting ang focused military operations (FMO) o pagtatambak ng libo-libong militar sa kanayunan, pagkakaroon ng malalakas na armas, rekurso at pagsusulong ng malawakang panunupil ay patuloy pa ring lumalakas ang NPA. Aktibo at mahigpit silang itinataguyod ng masang pinaglilingkuran kung kaya’t magiting na nabibigo ng Bagong Hukbong Bayan ang mga atake ng mersenaryong AFP at PNP sa lahat ng mga sona’t larangang gerilya ng rehiyon.

Sa desperasyon ng AFP at PNP na kamtin ang target nilang paglipol sa NPA bago matapos ang termino ng kanilang pasistang amo muling tinambakan ng pwersang ang rehiyong Timog Katagalugan nang ilipat dito ang buong batalyon ng 68th IBPA mula sa Basilan at isa pang kumpanya ng 70th IBPA mula Gitnang Luzon.

Dagdag pa, dahil sa kabiguan ng pasistang militar at PNP, kabaliwang ibinaling ang talim ng pasismo sa mga karaniwang mamamayan, mga aktibista at lider masa na siya nilang tinatarget na pasukuin at ipresentang sumukong NPA, kundiman ay pinapaslang at pala-basing “nanlaban” sa kanila. Tuloy-tuloy ang ginagawang pananakot lalo na ng berdu-gong NTF-ELCAC sa mga tukoy at kilalang lider ng mga militanteng unyon sa lalawigan ng Laguna. Ipinangangalandakan din ng mga ito ang mga sibilyang sapilitang pinasusuko, inaaresto at pinapaslang bilang mga tropeo sa kanilang hibang na anti-komunistang gera para palabasing “nananalo” ang kanilang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Sa kabilang banda, nangangarap ng gising ang pasistang si Duterte at ang kanyang buong mga galamay sa militar, PNP at NTF-ELCAC sa pagsasabing nalalapit na ang pagwawakas ng rebolusyonaryong kilusan. Nahihibang sila sa pangarap na ito at hindi lubos na nauun-awaan na ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan at armadong pakikibakang isinusulong ng BHB ay makatarungan at nag-uugat na malalim na problemang pan-lipunang malaon ng isinumpa ng mamamayan.

Hangga’t nananatili ang matinding kahirapan, kagutuman, pang-aapi, panunupil at inhus-tisyang dulot ng isang lipunang malakolonyal at malapyudal na pinaghaharian lamang ng iilang naghaharing uri at mapagsamantala, magpapatuloy ang rebolusyon at ang paglakas ng Bagong Hukbong Bayan—ang tunay na Hukbo ng mamamayan.

Hindi ang eleksyon ang makakapagpabago o hahango sa mala-aliping kalagayan ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang masang anakpawis. Tanging ang pagsusulong lamang ng isang pambansa demokratikong rebolusyon ng bayan na may sosyalistang hi-naharap ang natatangi at natitirang solusyon!

Manggagawa at maralita, tumungo sa kanayunan at isulong ang matagalang digmang bayan na lulutas sa kahirapan, pang-aalipin at inhustisyang nararanasan ng sambaya-nang Pilipino sa kasalukuyan!

Mabuhay ang ika-53 anibersaryo ng NPA — ang tunay na hukbo ng sambayanang Pilipino!
Digmang Bayan Sagot sa Terorismo ng Estado!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDF!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!

https://cpp.ph/statements/ipagdiwang-ang-ika-53-anibersaryo-ng-bagong-hukbong-bayan-manggagawa-at-maralita-aktibong-labanan-at-biguin-ang-pasismo-ng-estado-isulong-ang-matagalang-digmang-bayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.